Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janno Gibbs, may patutsada tungkol sa di pagkakasama sa ABS-CBN Christmas station ID

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2018

Mga pampalakas at pampalubag-loob na mensahe ang natanggap ni Janno Gibbs mula sa fans at supporters niya na nakikisimpatiya at nakikiramay sa kanya dahil wala siya sa "Family is Love" Christmas Station ID ng ABS-CBN, na inilunsad ngayong hapon sa ASAP Natin 'To.

"Wag n'yo ko hanapin sa station id at asap nila yan" ang hashtag ni Janno sa throwback picture nitong naka-post sa kanyang Instagram account ngayong hapon, November 18.

May caption itong: "Throwback to Sept. 12 this year when I signed w @starmusic.ph. Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e."

Malinaw na may patama ang singer-actor sa ni-reformat na Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP Natin 'To.

Isang commenter ang nagsabi nito: "Iniwan mo kasi kami sa syete eh."

Sagot dito ni Janno, "Hindi ko kayo iniwan. Wala ibinibigay na work sa akin ang @gmanetwork."

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Inamin ni Janno na nalulungkot ito dahil hindi siya kasama sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network.

Halata ang tampo na nararamdaman ni Janno dahil nagkaroon siya ng panahong sagutin ang halos lahat ng mga message of sympathy ng kanyang Instagram followers.

Bakas din ang lungkot ni Janno sa pahayag nito na "Ayaw na rin sa akin ng 7 eh" at ang paulit-ulit na sabi niya na ayaw rin sa kanya ng ASAP.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results