Direk Toto Natividad, itinangging may isyu sila ni Coco Martin

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2018

Itinanggi ng direktor na si Toto Natividad na may iringan sila ni Coco Martin kaya nagpaalam siya bilang isa sa mga direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Lumipat si Toto sa GMA-7 para pamahalaan ang Cain at Abel, ang action-drama series ng Kapuso Network na mapapanood simula ngayong gabi, November 19.

Continue reading below ↓

Bida rito sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
 IMAGE Noel Orsal

“Mabait si Coco. Walang issues sa aming dalawa ni Direk Coco Martin,” ang denial ni Toto.

Dagdag pa niya, “Career move lang po ang paglipat ko.

"Nagpaalam po ako sa ABS-CBN at pinayagan po ako."

Para patunayan na walang isyu sa pagitan nila ni Coco, nag-post si Toto sa kanyang Facebook account: “Mabuting tao si Coco Martin.”

Continue reading below ↓

Si Toto ang barangay chairman ng Barangay Kaunlaran, North Bay Boulevard South ng Navotas City.

Nang kumandidato siya noong May 2018, isa si Coco sa mga sumuporta sa kandidatura niya at hinding-hindi ito makakalimutan ng direktor ng Cain at Abel.

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Direk Toto sa pag-alma ng Philippine National Police sa pagsasalarawan sa mga pulis sa Ang Probinsyano.

Sagot nito: “Sorry po, hindi ko na po kasi alam ang  story ngayon ng Ang Probinsyano.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results