Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janno Gibbs, binura na ang controversial Instagram post

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2018

History na ang Instagram post ni Janno Gibbs tungkol sa tampo niya sa ABS-CBN dahil hindi siya kasali sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network na inilunsad sa ASAP Natin 'To kahapon, November 18.

 IMAGE Janno Gibbs Instagram

History na dahil binura na ni Janno ang kanyang controversial post na pinag-usapan at umani ng sari-saring reaksiyon.

Continue reading below ↓

Ang mga taong nagmamalasakit kay Janno at sa career nito ang nagpayo sa kanyang burahin ang mga saloobin na inilabas sa social media.

Sinunod naman niya ito.

Ang pagiging contract artist ng Star Music ang inilalaban ni Janno kaya naniniwala itong karapatan niyang makabilang sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa mga contract star ng Star Music, Star Magic, at ABS-CBN, tanging si Janno ang naging prangka sa paglalahad sa kanyang diumano'y pabiro na pahayag na naitsapuwera siya sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network.

Ang Viva Artists Agency ang namamahala sa showbiz career ni Janno, na walang dapat ikabahala dahil in good company siya.

Wala rin sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network si Anne Curtis, na may valid reason dahil nagbabakasyon sila sa South Africa ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff para sa kanilang long overdue honeymoon.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results