Mga magulang ni Hiro Peralta, dinakip dahil sa illegal drugs

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2018

Wagas ang pagsisisi at paghingi ng tawad ni Jean Peralta sa kanyang anak, ang aktor na si Hiro Peralta, dahil nadamay ito sa drug case nila ng asawa niyang si Engelbert Peralta.

Labingsiyam na sachets ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa pag-iingat ng mga magulang ni Hiro sa buy-bust operation na isinagawa sa Bagbag, Novaliches, Quezon City, kahapon, November 20.

Continue reading below ↓
Engelbert and Jean Peralta
 IMAGE Screen grab from GMA-7

Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa illegal-drugs scandal ang ama ni Hiro dahil kasama ang pangalan nito sa drug watch list. Dinakip na rin siya tatlong taon na ang nakararaan.

Itinanggi naman ng ina ni Hiro na nagbebenta sila ng kanyang mister ng ipinagbabawal na droga, pero inamin niyang gumagamit sila ng illegal drugs paminsan-minsan.

Sangkot ang pangalan ni Hiro sa kasalanang ibinibintang laban sa kanyang mga magulang dahil ang pangalan ng aktor ang headline ng mga balita tungkol sa pagkakadakip sa ina at ama niya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Instagram

Ang pagkakadawit sa pangalan ni Hiro sa eskandalo ang dahilan ng pag-iyak at pauli-ulit na paghingi ng tawad sa kanya ng ina.

"Former actor" ang description kay Hiro sa mga news headline, pero nag-aartista pa rin siya.

Ang Sherlock Jr., na nagwakas noong April 2018, ang huling TV series ni Hiro sa GMA-7.

"Child actor" naman ang deskripisyon sa kanya ni Erwin Tulfo sa programa nito nang ibalita ang pag-aresto sa mga magulang ni Hiro.

Hiro Magalona ang unang screen name na ginamit ni Hiro nang pumasok siya sa showbiz noong 2010 dahil second cousin ng kanyang ina ang yumaong si Francis Magalona.

Initially, tutol ang ama ni Hiro sa pag-aartista ng anak kaya hindi muna nito ipinagamit ang kanilang tunay na apelyido na Peralta.

Labag sa kalooban ni Engelbert Peralta ang pagpasok ni Hiro dahil sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya noong 2009.

Ito ay ang pagkamatay ng nakatatandang kapatid ni Hiro, ang model at aspiring actor na si Benjie Peralta na nahulog mula sa 18th floor ng isang condominium building sa Timog Avenue, Quezon City, noong June 2009.

Continue reading below ↓

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police, foul play at hindi suicide ang dahilan ng pagkahulog at pagkamatay ng noo'y 18-year-old brother ni Hiro.

Sinabi ni Hiro sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 1, 2013 na sarado na ang kaso ng pagkamatay ni Benjie at kilala niya ang pumaslang sa kanyang kuya.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results