Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rhap Salazar, tinapatan ang "Love of My Life" ni Freddie Mercury

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2018

Will Rhap Salazar break the Internet with his own rendition of Queen's "Love of My Life?" 

Hopefully, yes. 

 IMAGE @rhapsalazar Twitter

Undeniably, ang lead vocalist ng Queen na si Freddie Mercury ang inspiration ni Rhap, kaya nag-upload ito sa social media ng video niya habang kinakanta ang "Love of My Life."

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang madamdaming pagkanta ni Freddie ang kinopya ni Rhap.

Ginaya rin niya ang “paborta” na pangangatawan at pagsusuot ng signature white sando ng British singer, na sumakabilang-buhay 27 years ago, dahil sa AIDS o acquired immunodeficiency syndrome. 

Muling nauso si Freddie dahil sa box-office success ng Bohemian Rhapsody, ang biographical movie tungkol sa iconic rock band nitong Queen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi naman pahuhuli si Rhap sa ganda ng pagkakakanta nito ng hit song ng Queen. 

Bago sumikat ang TNT Boys, hawak ni Rhap ang titulo na "Birit Kid" hanggang mag-iba ang timbre ng kanyang dating matinis na boses dahil naging binata na siya.

Nakilala ang TNT Boys sa international scene dahil sa guest appearance nila sa Little Big Shots talent show sa U.S. at Australia.

Pero nauna na rin si Rhap na lumabas sa Ellen, ang popular U.S. talk show ni Ellen DeGeneres.

Sina Rhap at Charice Pempengco (na Jake Zyrus na ngayon) ang noo'y young Pinoy singers na nabigyan ng malaking oportunidad na mag-perform sa Ellen.

Continue reading below ↓

Iyon nga lang, hindi na-duplicate ni Rhap ang international success ni Charice, sa kabila ng guesting ng una sa Ellen at pagsali sa The X Factor U.K.

Hindi rin ipinalabas sa TV ang audition ni Rhap sa The X Factor.

Pero nagtagumpay naman si Rhap sa pagpapayat dahil hindi nakaligtas sa publiko ang “hunky transformation" niya—na mahihirapan na ma-achieve ni Jake Zyrus.

Indeed, life is really fair.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results