Si Tommy Esguerra ang nag-buena mano sa pag-iyak sa presscon ng Three Words to Forever ng Star Cinema na naganap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong Huwebes ng gabi, November 22.
Hindi nakontrol ni Tommy ang emosyon nang tanungin tungkol sa mga karanasan niya sa shooting ng Three Words to Forever sa Ormoc City.
Napaluha siya nang magkuwento tungkol sa magandang pakikisama sa kanya ni Sharon Cuneta.
"Tita Sharon, one of the kindest people I have ever met.
"Very kind and she treated me like a son through out the whole…" naudlot na pahayag ni Tommy, kaya tumayo si Sharon at niyakap siya nang mahigit.
Naging emosyunal din ang veteran actress na si Liza Lorena.
Si Sharon ang may pinakamaraming beses na umiyak dahil naalaala niya ang nakaraan at ang isang kaibigang pumanaw.
Rebelasyon ang pahayag ni Sharon na halos anim na taon na tumagal ang on-and-off relationship nila noon ni Richard Gomez, na opisyal na nagsimula noong October 11, 1989.

Kontra ito sa maling paniniwala ng publiko na isang taon lamang na nagtagal ang kanilang love affair.
Nagkuwento rin si Sharon tungkol sa takot na naramdaman niya nang magsimula ang shooting ng Three Words to Forever.
"Noong umpisa, takot na takot ako na parang feeling ko, I didn’t know him.
"Ba’t nagbi-Bisaya ito, e, Kapampangan ako?
"But kidding aside, I was really very… I was nervous.
"I told Inang [Olive Lamasan, managing director of Star Cinema ]. I was crying to Inang Olive.
"'Inang, I don’t know if I can do it because I don’t know him. He’s not MY Richard anymore.'
"Yung Richard na kilala ko, ibig kong sabihin kasi, ang tagal nang [panahon] dumaan.
"Inang was part of it kasi, from day one, ligawan pa lang, di ba?
"Pagdating dun [Ormoc City], yung nakikiramdam ako kasi I was so sad.
"I was away from my family. I posted that I was sad.
"It was my first day, I didn’t know the city.
"And truth be told, I wasn’t used to Richard, being this mayor of this town. I was proud, pero this is not the Richard I know.
"Nung pinost ko, I think ang daming naka-misinterpret, kahit siya [Richard].
"Naturally, ba’t ko naman sisiraan ang isang lugar na hindi ko naman kilala?
"Naiwan ko lang yung family ko, I didn’t know what to expect from him.
"'Tapos, bago yung city, first time ko. Wala akong kilala kundi siya na may sarili nang buhay.
"So, feeling ko, ano ang ginagawa ko dito?
"Pero you know, in the end, it turned out to be a beautiful movie talaga," ilan sa mga ipinagtapat ni Sharon, na magiliw na magiliw kay Richard habang nagaganap ang presscon dahil ginawaran niya ng mga halik at yakap ang dating karelasyon.