Veteran actress Liza Lorena, namatayan ng ina at kapatid nitong 2018

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2018

Sa mga cast member ng Three Words to Forever ng Star Cinema, ang veteran actress na si Liza Lorena ang pinakamaagang dumating sa presscon na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, November 22.

Naabutan namin si Liza na tahimik na nakaupo sa front row seat ng Dolphy Theater habang hinihithit ang hawak na vape o electronic cigarette.

 IMAGE Noel Orsal
Continue reading below ↓

Tumayo lang si Liza nang sunduin siya ng isang staff member ng Star Cinema dahil magsisimula na ang red-carpet walk nila ng mga co-star niyang sina Sharon Cuneta, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo. 

Sa edad na 69, nananatiling single si Liza dahil hindi pa nito nararanasan na ikasal.

Pero wala raw siyang pinagsisisihan.

Kung may ikinalulungkot man ang still gorgeous and classy veteran actress, ito ay ang pagpanaw ng kanyang ina na si Josefina Winsett noong July 2018.

Binawian ng buhay si Josefina sa edad na 100.

Kuwento ni Liza, “I’m happy to be alone.

"Right now, I’m kinda sad lang because I lost my mom.

"All these years, my mom was with me for 68 years." 

Noong September 2018, pumanaw naman ang kapatid ni Liza na si Gigi dahil sa liver cancer. 

Ipinakita ni Liza ang ilang larawang kasama niya ang ina at kapatid. 

 IMAGE Courtesy of Liza Lorena
Continue reading below ↓

Sa kabila ng pagkawala ng dalawang mahal niya sa buhay, nananatiling positibo si Liza. 

Minsan ding umibig si Liza, at naging bunga noon ang mga anak niyang sina Tonton Gutierrez at Wednesday Palanca. 

Si Tonton ay anak ni Liza kay Eddie Gutierrez, habang si Wednesday ay anak niya sa businessman na si Honey Boy Palanca.  

“I’ve had my share of loves. I’m content with my two kids and my apos. 

"I don’t think I’m that sad talaga to not to have a man with me,” ang pahayag ng veteran actress at first runner-up sa 1966 Binibining Pilipinas.

Si Liza ang nanay ni Sharon Cuneta sa Three Words to Forever, na ipapalabas sa mga sinehan sa November 28. 

Sabi ni Liza tungkol sa Megastar, "I feel so fortunate to work again with my original anak in Dear Heart.

"And she will always be special to me, kahit hindi kami magkita, no time and space between us." 

Continue reading below ↓

Naging teary-eyed naman si Sharon habang pinakikinggan ang mensahe ni Liza sa kanya.

 IMAGE Noel Orsal
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results