Debut film ng concert director na si Paul Basinillo ang Indak, na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Si Paul ang director ng successful This 15 Me concert ni Sarah Geronimo at JaDine Revolution nina James Reid at Nadine nitong 2018.
Kung gaano ka-passionate si Paul sa paggawa ng concert ay ganoon din daw ang ibubuhos niyang atensiyon sa Indak.
Bungad ni Paul, “The process of concerts and film is almost identical because I have to work with all the department heads, musicians and artists but filmmaking for me really focuses on the narrative and the character development.
“In concerts, though, since it is live, I don’t have the liberty of having multiple takes.
"Whereas in movies I can decide the flow during post production."
Personal daw na pinili ni Paul sina Nadine at Sam bilang magkatambal sa Indak, na inspired ng Hollywood films na La La Land at Step Up.
Paliwanag ng director, "Nadine is a very good dancer and Sam as well. I think they can do justice to the film.
"We will also hire foreign dancers and local dance champions for the film.
"The G-Force will play a crucial role in Indak."
Kasama rin sa cast ng Indak sina Ella Cruz at Julian Trono, na parehong kilala sa galing nilang sumayaw.
Dahil maraming dancers ang kailangan sa pelikula, nagpatawag si Paul at ang Viva Films ng auditions para makumpleto ang talents.
Sa December 3 nakatakdang magsimula ang shooting ng pelikulang co-produced ng Viva Films at Powerball Marketing Corporation.

Bukod sa proyektong ito, si Paul ang creative producer ng Pedro Penduko: The Legend Begins ng Epik Studios.
Tiniyak ni Paul na mauunang ipalabas sa mga sinehan ang Indak.
Mabusisi raw kasi ang post-production ng Pedro Penduko, na may target play date sometime in 2019.
Si James Reid ang gaganap na Pedro Penduko at makakasama niya si Nadine bilang Maria Makiling.