Sinuportahan ng Eat Bulaga! cast ang full trailer launch ng Jack Em Popoy: The Pulis Credibles ngayong hapon, November 24.
Ang Jack Em Popoy: The Pulis Credibles ang official entry nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2018.

Bukod sa pagsusuot ng Jack Em Popoy t-shirts, pinag-aralan ng mga host ng Eat Bulaga ang choreography ng Jack Em Popoy dance na mabilis ding natutunan ng televiewers.
Si Coco si Jack, si Maine si Em, at si Vic ang Popoy sa action-comedy movie na joint production venture ng APT Entertainment Inc. ni Antonio Tuviera na producer din ng Eat Bulaga, M-Zet Productions ni Vic Sotto at ng CCM Film Productions ni Coco Martin.
Sa isang eksena ng trailer, ipinakita ang karakter ni Coco na sumali sa Mr. Pogi contest ng Eat Bulaga na kinunan sa actual studio ng noontime program ng GMA-7 sa Broadway Centrum Studio sa Aurora Boulevard, Quezon City.
May eksena rin sa Jack Em Popoy trailer na binanggit ni Coco ang Eat Bulaga.
Binigyan ng malisya ng ibang mga nakapanood ang eksena dahil nagduda sila na swipe o patama yun sa It’s Showtime, ang rival noontime show ng Eat Bulaga.
May eksena rin sina Coco at Vic na nakasuot babae na magpapaalala sa lahat kay Paloma, ang popular character ni Coco sa Ang Probinsyano, ang kanyang top-rating program sa ABS-CBN.