All’s well that ends well.
Maganda ang resulta ng pakikipag-usap ni Coco Martin at ng ABS-CBN executives sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) noong nakaraang linggo, kaya nalutas na ang concern ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde tungkol sa depiction o pagbibigay-buhay sa mga pulis sa mga karakter ng top-rating action-drama primetime series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

Ngayong umaga, November 26, muling bumalik si Coco sa PNP Headquarters sa Camp Crame dahil dumalo siya sa flag raising ceremony, kasama ang mga ABS-CBN executive na sina Cory Vidanes, Deo Endrinal, at ang kanyang manager na si Biboy Arboleda.
Hiningi ng Cabinet Files kay Biboy ang pakay ng pagdalo ni Coco sa flag raising ceremony.
"PNP issues a statement a few weeks ago that they don’t like how Ang Probinsyano portrays them.
"Soon after, they declared pull out of support for the serye, then DILG joined them and marami nang nakisawsaw.
"ABS-CBN and Coco initiated the dialogues with them.
"We had one with Coco, Deo, Tita Cory, and MTRCB Chair Rachel Arenas last Thursday with DILG.
"And this morning with PNP Head Oscar Albayalde for flag ceremony and signing of Memorandum of Understanding.
"Maayos. Nagkausap.Nagkasundo," detalyadong paliwanag ni Biboy tungkol sa mga problemang pinagdaanan ng Ang Probinsyano na lalong nagpasikat sa teleserye ni Coco.

Si PNP chief Director General Oscar Albayalde ang unang nagpahayag ng pagtutol sa pagsasalarawan sa mga pulis sa Ang Probinsyano.
Pero ngayong umaga, sa ginanap na flag raising ceremony, "My idol Coco Martin" ang acknowledgment niya sa pagdalo ni Coco at ng mga kasama nito.