Mike Enriquez, bumalik na sa 24 Oras at radyo

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2018

Mainit ang pagtanggap sa pagbabalik ng veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez sa 24 Oras ngayong gabi, November 26.

Tatlong buwang hindi napanood si Mike sa telebisyon at hindi napakinggan sa kanyang radio program sa DZBB dahil sumailalim siya sa heart bypass surgery noong September 2018.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from GMA News

Natuwa ang mga supporter at tagahanga ni Mike nang muli nilang mapanood ang original anchor sa primetime news program ng GMA-7.

Hindi lamang ang televiewers ang nasabik sa pagbabalik ni Mike dahil ito ang topic kaninang umaga ng mga empleyado ng GMA Network, Inc.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Mike na pinaghandaan nito ang pagbabalik sa trabaho na may pahintulot ng doktor niya.

"Lahat ito, pinaghandaan ko, saka lahat ito, binabantayan ng mga doktor.

"Yun pa ang isang importanteng leksiyon na natutunan ko, susunod parati sa sinasabi ng doktor.

"Meron diyan yung iba, pinipilosopo yung mga doktor, e.

"Susunod sa sinasabi ng doktor at, pangalawa, pakikinggan mo yung sarili mong katawan.

"Pakikiramdaman mo yung sarili mo, kung kaya mo, kung hanggan saan ang kaya mo at hindi mo kaya.

"Sinasabi ng cardiologist ko, mga ilang linggong nakalipas, tinanong na ako, 'Hindi ka pa ba babalik sa ere?'

"Yung katawan ko naman, sinasabi, 'Kaya mo na, Mike, kaya ito na,'" sabi ni Mike.

Continue reading below ↓

Masarap na masarap ang pakiramdam ni Mike dahil sa mga text message na natanggap niya mula sa mga taong tuwang-tuwa sa kanyang pagbabalik sa radyo at telebisyon.

"Ang daming mga nag-text, tumawag, nag-tweet na welcome back.

"Hindi ko mapapasalamatan ang lahat dahil sa dami nila, pero nakakataba ng puso, at lahat sila, iisa ang mensahe.

"Ang sabi nila, 'We miss you.'

"Sabi ko naman sa kanila, 'Kung na-miss niyo ako, one hundred times, mas higit na na-miss ko kayo. Missed na missed."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results