Gabbi Garcia: Pangit ang tingin sa sarili noon, pang-beauty queen na ang hitsura ngayon

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2018

Turning 20 years old sa December 2 ang Pamilya Roces actress na si Gabbi Garcia, kaya marami ang nagsasabing hinog na hinog na ito para sumali sa mga national beauty contest.

 IMAGE Noel Orsal

Pero ipinaliwang ni Gabby na malaki ang kailangan niyang isakripisyo sakaling magdesisyon siyang lumahok sa isang prestihiyosong beauty pageant. 

Continue reading below ↓

Natatakot daw siyang mawalan ng bisa ang mga kontratang pinirmahan niya.

"Gusto ko talaga, pero kapag wine-weigh ko yung pros and cons niya...

"Kasi iri-risk mo lahat ng kontrata, so wala kang network, wala kang kontrata, pati endorsements wala.

"So parang andito na ako. Sayang naman kung iri-risk ko lahat para sa pageant." 

Aminadong kinikilig si Gabbi kapag naririnig ang mga komentong pang-beauty queen ang hitsura niya, dahil pangit ang kanyang tingin sa sarili noong bata pa siya.

"Pangit kasi ako noong bata pa ako," pag-amin ni Gabby.

"May insecurities ako, pero hindi ako mahiyain kaya dinadaan ko sa pagiging bibo."

 IMAGE Jojo Gabinete
Continue reading below ↓

Ikina-insecure daw niya noon ang kulay niyang kayumanggi at mga mata niyang walang talukap.  

"Hooded eyelid ako. Wala akong talukap, linya lang ang mata ako.

"Noong bata ako, isyu siya sa akin na wala akong talukap.

"Lahat kami sa pamilya, walang talukap, nanay at tatay ko, walang talukap." 

Sabi pa ni Gabbi, "Alam ko na hindi naman ako masyadong maganda.

"Nung tumanda ako, noon ko lang na-appreciate yung kulay ko."

Pero ngayong dalaga na siya, natutunan daw ni Gabbi na mahalin ang sariling imperfections. 

Hindi na raw niya itinuturing na kakulangan ang kawalan ng talukap ng kanyang mga mata.

"Tinanggap ko na it's a phase you have to go through.

"But at the end of the day, if you accept yourself fully, wala kang magiging isyu. Magiging secured ka talaga." 

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results