Carla Abellana at Sophie Albert, totoong nagkasakitan sa Pamilya Roces?

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2018

Kumalat nitong hapon, November 27, ang balitang nagkasakitan sina Carla Abellana at Sophie Albert sa isang eksena nila sa GMA-7 prime time series na Pamilya Roces.

Carla Abellana (left) and Sophie Albert
 IMAGE Noel Orsal

Sa sobrang lakas diumano ng pagkakasampal ni Carla kay Sophie ay nagkaroon ng "lockjaw" ang huli. 

Continue reading below ↓

Ang naturang confrontation scene ng dalawa ay mapapanood sa episode ng Pamilya Roces ngayong gabi. 

Hinihinalang posibleng pagmulan ng tensiyon sa set ang nangyaring insidente sa pagitan ng dalawa. 

Hiningi namin ang tulong ni Marian Domingo Antonio ng GMA Corporate Communications para makuha ang panig ni Sophie tungkol sa isyu.

Ito ang sagot na aming natanggap:

"Ang sabi ni Sophie, hindi naman talaga maiiwasan na magkasakitan if may mabibigat na eksena at very apologetic naman si Carla, right after ng take.

"Very professional silang lahat."

Si Sophie ay gumaganap bilang dumb half-sister ni Carla sa Pamilya Roces

Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng dalawa nang magkabistuhan na may affair si Sophie sa asawa ni Carla, na ginagampanan ni Rocco Nacino. 

Kahit tatanga-tanga at kasampal-sampal na kontrabida, sadyang nakakaaliw ang character ni Sophie bilang Amber, kaya ito ang napansin at isa sa mga paborito ng loyal viewers ng Pamilya Roces.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results