Andrea Brillantes, pinalitan si Kyline Alcantara sa Kahit Ayaw Mo Na?

IMAGE Noel Orsal / Gorgy Rula

Andrea Brillantes, inaming nakatulong ang social media fan base upang hindi siya dumaan sa "awkward stage" sa kanyang showbiz career.


A Spark in Samar ang original title ng Kahit Ayaw Mo Na, ang pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa December 5. 

Pinagbibidahan ito nina Empress Schuck, Kristel Fulgar, at Andrea Brillantes.

Unang inialok ang project kina Glaiza de Castro at Kyline Alcantara, pero hindi natuloy ang pagbibida nila dahil may conflict sa kanilang mga schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal / Gorgy Rula

Busy noon si Glaiza sa taping ng Kapuso afternoon series na Contessa; at nagkaroon ng extension ang Kambal, Karibal, ang biggest television break ni Kyline sa GMA 7.

Kung hindi kami nagkakamali, ang karakter na dapat na gagampanan ni Kyline sa Kahit Ayaw Mo Na ang role na ibinigay kay Andrea dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad.

Fifteen years old pa lang si Andrea, na hindi maitatangging batambata pa dahil sa kanyang kilos at pananalita.

Nagsimula ang showbiz career ni Andrea noong seven years old siya.

Pero hindi niya naranasan ang "awkward age" na pinagdadaanan ng ibang child stars, dahil suportado raw siya ng kanyang social media followers.

At this writing, si Andrea ay may 3.4 million followers sa Instagram at 882,478 subscribers sa YouTube. 

Sabi ni Andrea, "Parang hindi ko na-feel na natakot ako na mawalan ng soap kasi may tiwala ako kay Lord.

"Noong naging artista ako, uso na ang social media so ongoing pa rin...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag walang show, may Instagram pa rin, may Youtube pa rin, meron pa rin taga-salo."

Malaking bagay raw kay Andrea ang pagkakaroon ng positibong disposisyon pagdating sa trabaho.

"Kapag may show, thank you. Kapag wala, magwo-work pa rin ako harder para magkaroon ako ng show," ang confident na sabi pa ni Andrea. 

Bukod sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na, mapapanood din si Andrea sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN