Catriona Gray, mas maraming bodyguards nang dumating sa Bangkok

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2018

THAILAND - Mainit ang pagtanggap kay Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray nang dumating siya sa Bangkok kahapon, November 29.

Gaganapin ang 67th Miss Universe sa December 10 sa Impact Arena, sa Bangkok, Thailand.

May sariling counter ang Miss Universe Organization (MUO) sa Suvarnabhumi, ang international airport ng Bangkok.

Ang counter ng MUO ang unang pinupuntahan ng mga dumarating na Miss Universe delegates bago sila lumabas mula sa airport.

Hindi naramdaman ni Catriona na nag-iisa siya dahil sa mga kababayan nating sumalubong sa kanya sa arrival area.

Tulad sa Pilipinas, big deal sa mga Thai ang Miss Universe.

Gaya sa Pilipinas (1974, 1994, and 2016), pangatlong beses na magiging host country ang Thailand (1992, 2005, and 2018) ng Miss Universe.

Maingay ang pagsali ni Catriona sa 67th Miss Universe dahil, ayon sa mga Thai na nakakausap ng Cabinet Files, malaki ang tsansa ng Filipina beauty queen na magkaroon ng puwesto.

Hindi nawawala ang mga intriga sa Miss Universe dahil may mga nakapansing mas marami ang bodyguards si Catriona nang dumating ito sa Dusit Thani hotel, ang official residence ng Miss Universe candidates.

Continue reading below ↓

Dahil si Catriona ang isa sa mga popular candidate, ibinalita at napanood sa isang Thai television network ang pagdating niya sa Bangkok.

Lumutang din ang isyu na walang roommate si Miss Spain Angela Ponce, ang first transgender woman na official contestant ng 67th Miss Universe.

Ang inclusion ni Angela sa contest kaya lalong umingay at naging kontrobersiyal ang beauty pageant na itinuturing na pinaka-prestigious.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results