Pasilip sa bonggang venue ng Miss Universe 2018 national costume show

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2018

Ang Nong Nooch Pattaya International Convention ang Exhibition Center (NICE) ang venue ng National Costume show ng 67th Miss Universe, at mangyayari ito sa December 10.

Sakop ng popular tourist destination na Nong Nooch Tropical Garden ang massive building ng NICE na handang-handa na sa malaking event ng Miss Universe 2018. 

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Makikita sa harap ng NICE ang lahat ng watawat ng mga bansa na may kinatawan sa Miss Universe 2018.

View this post on Instagram

A post shared by jojogabinete (@jojogabinete) on

View this post on Instagram

A post shared by jojogabinete (@jojogabinete) on

At bilang isang Pilipino, maipagkakapuri natin na mapagmasdan ang Philippine flag, lalo pa’t hinahangaan ng mga Thai si Catriona Gray dahil naisip nitong magsuot ng Thai-inspired costume nang dumating siya sa Bangkok noong Huwebes, November 29.

READ Catriona Gray wows in Thai-inspired jumpsuit; arrives in Bangkok for Miss Universe 2018

"She looks like Thai," ang nagkakaisa na obserbasyon ng mga Thai na pinupuri ang kagandahan ni Catriona at ang pagtangkilik nito sa kanilang national costume.

May dalawang malawak na hall ang NICE na parehong nakareserba sa National Costume Show, at nagkakahalaga ng THB2,500 (PHP3,987), THB2,000 (PHP3,189), at THB1,500 (PHP2,392) ang tickets para sa mga nagnanais na manood.

View this post on Instagram

Inside NICE

A post shared by jojogabinete (@jojogabinete) on

Ayon sa nakausap ng Cabinet Files na staff member ng NICE, magaganap sa December 6 ang video shoot at pictorial ng 95 official candidates sa nearby Nong Nooch Tropical Garden, na itinuturing na pinakamalawak at pinakamaganda na botanical garden sa Southeast Asia.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

A post shared by jojogabinete (@jojogabinete) on

Kilala rin ang Nong Nooch Tropical Garden sa pagkakaroon ng unique at impressive Elephant at cultural shows.

Mapapanood sa Elephant show ang mga elepante na nagpipinta at naglalaro ng basketball at soccer. Ipinagbibili sa halagang THB250 (PHP398) ang mga T-shirt na pinintahan ng mga elepante.

View this post on Instagram

A post shared by jojogabinete (@jojogabinete) on

Pito ang klase ng hardin ng Nong Nooch—ang French, Roman, Butterfly, Cactus, Stonehenge, Skywalk Pontoon, at Orchid Garden—na maiikot lamang ang kabuuan sa pamamagitan ng pagsakay sa tram dahil napakalawak ng lugar.

Nang pasukin namin ang Nong Nooch Tropical Garden, nagdaragdag ng mga bagong rebulto ng iba’t-ibang klase ng hayop ang mga empleyado bilang paghahanda sa video shoot at pictorial ng Miss Universe delegates.

Hindi kalayuan sa Nong Nooch Tropical Garden ang Silver Lake Vineyard na bukas din para sa mga turista.

Kagaya ng Nong Nooch Tropical Garden, must-visit sa Pattaya ang Silver Lake Vineyard na pag-aari ng former Thai actress na si Supansa Nuangpirom na good wine at good music ang mga passion. Retired actress na si Supansa, pero isa na siya sa mga pinakamayaman na former showbiz personality sa Thailand.

Continue reading below ↓

Hindi kumpleto ang pagbisita sa Pattaya kung hindi sasadyain ang kanyang vineyard, na hindi lamang mga ubas ang tanim nito kundi pati na rin mga gulay. Makikita sa property niya ang mga naglalakihanng bunga ng patola, upo, at ampalaya.

Ang mga framed poster ng mga pelikula ni Supansa noong kasikatan nito, ang mga litrato niya na kasama ang Chinese superstar na si Jackie Chan, at ang kanyang best actress trophy noong 1982 ang naka-display sa lobby ng Silver Lake Vineyard na magpapaalala sa lahat na dating bahagi siya ng entertainment industry ng Thailand.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete
Read Next
Read More Stories About
Miss Universe 2018
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results