Ang Thai superstar na si Nadech Kugimiya ang special performer sa grand opening kahapon ng Terminal 21, ang biggest mall sa Pattaya City, Thailand.
May mga Pilipinong nagbabakasyon sa Pattaya na naghintay sa pagdating niya dahil nakilala nila ang aktor nang ipalabas sa primetime slot ng GMA-7 ang kanyang television series na Switch na isinalin sa Tagalog.
Si Nadech ang number one actor sa Thailand at pumapangalawa lang si Mario Maurer na sumikat sa Pilipinas nang mapanood sa ABS-CBN noong June 2011 ang kanyang hit movie na Crazy Thing Called Love.
Noong August 2016, bumalik sa Pilipinas si Mario bilang celebrity ambassador ng Tourism Authority of Thailand (TAT).
Dahil kilala na rin si Nadech sa Pilipinas, may mga suggestion sa TAT na siya ang ipalit kay Mario na ambassador para makita at makilala siya nang personal ng mga Pilipino na sinubaybayan ang katatapos pa lang na teleserye niya sa Kapuso Network.
Masigla na ang tourism industry sa Pattaya kaya ito ang ipinu-promote ng TAT sa mga Pilipino, pati na sa LGBTQ community, ayon kay Len Rivera, ang head ng TAT-Philippines.
May misconception na hindi family-oriented ang Pattaya dahil sa mga red light district pero malaki na ang ipinagbago ng lugar.
Isa si William Martinez sa mga nag-react nang makita nito ang Facebook post namin tungkol sa Walking Street, ang lugar na pinaka-popular sa mga foreigner na mahilig sa nightlife.

Ikinuwento ng former '80s actor na eight years ago, madalas siya sa Walking Street na ikinumpara niya sa Angeles City, Pampanga.
Sinabi ni William na napakarami ng transgender women sa Walking Street kaya dapat mag-ingat para hindi “matanso.”
Ipinaliwanag namin kay William na ibang-iba na ngayon ang Walking Street na sinasadya niya noon.
As of presstime, hinihintay pa namin ang sagot ni William sa aming tanong na naranasan na ba niya na matanso?
At any rate, hindi lamang ang Walking Street ang pinupuntahan ng mga bakasyunista dahil dumarayo na rin sila sa ibang mga tourist spot tulad ng Coral Island, Pattaya Boat Show ng Ocean Marina, Cartoon Network Amazone Waterpark, Nong Nooch Tropical Garden at sa famous Kaan Show na para sa mga bata at pamilya.
Tungkol sa Thai literature at folktales ang kuwento ng Kaan na isang live cinematic experience na ginamitan ng world-class technology, kaya hindi namin napigilan na ikumpara ito sa isang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na tiyak na amateur ang pagkakagawa.


Tatlong taong pinaghandaan at tumagal ng dalawang taon ang rehearsals bago itinanghal ang Kaan sa D’Luck Theatre ng Pattaya.
LGBTQ friendly ang mga hotel sa Pattaya kaya common sight ang mga empleyado nila na gay at lesbians.
May mga regular at decent job din sa Pattaya ang transgender women na mas magaganda at sexy kesa sa mga tunay na babae dahil nagtatrabaho sila bilang performers sa mga cabaret show ng Tiffany Show at Alcazar.