Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang bukod-tanging beauty queen na pinalakpakan ng audience nang rumampa siya sa opening ceremony at fashion show ng 8th Celebration of Silk na ginanap kagabi, December 1, sa 22nd floor ng Centara Grand & Bangkok Convention Centre sa Bangkok, Thailand.

Kasama ni Pia sa pagrampa ang 35 former Miss Universe 2017 candidates gaya nina Miss USA 2017 Kara McCullough, Miss Thailand 2017 Maria Poonlertlarp, at Miss Nigeria 2017 Stephanie Agbasi.
Si Pia ang star of the show dahil siya ang pinakahuli na naglakad sa stage at suot niya ang silk gown na gawa ng US-based at international fashion designer na si Oliver Tolentino.
Special guest ang prime minister ng Thailand na si Dr. Wissanu Krea-ngam sa opening ceremony ng Celebration of Silk, na project ni Queen Sirikit, na patuloy na sinusuportahan ang promotion ng Thai silk sa buong mundo.
Nagkaroon ng special guest appearance sa opening ceremony ng 8th Celebration of Silk ang popular Malaysian shoe designer na si Jimmy Choo.
Ibinigay ni Choo sa secretary ni Queen Sirikit ang size 7 shoes na ginawa niya at regalo para sa reyna ng Thailand, na hindi nakadalo sa nabanggit na okasyon.
Ang Thai silk fabrics ang ginamit na materyal ni Choo sa sapatos na kanyang ipinagkaloob sa reyna ng Thailand.
Hindi lamang ang mga past Miss Universe candidates ang kasali sa fashion show dahil rumampa rin ang lahat ng mga ambassador mula sa iba’t-ibang bansa at suot din nila ang mga damit na gawa sa Thai silk.
Blockbuster ang fashion show na project ng Tourism Authority of Thailand dahil napuno ng manonood ang malawak na convention center.
Ngayong hapon, December 2, muling rarampa si Pia sa fashion show ng 1st Thai Silk International Fashion Week sa Central World, at creation pa rin ni Oliver Tolentino ang gagamitin niya na gown.