Jeff Langan, third runner-up sa Manhunt International 2018

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2018

Hindi nasayang ang pagsali ng Filipino-American model na si Jeff Langan sa Manhunt International 2018 na ginanap ngayong Linggo, December 2, sa Surfers Paradise Beach ng Gold Coast, Australia, dahil siya ang idineklarang third runner-up.

Si Vicent Llorach Gonzalez ng Spain ang nagwagi ng Manhunt International 2018 title.

First runner-up si Dale Maher ng Australia, si Luca Derin ng Netherlands ang second runner-up, at 4th runner-up si Mai Tuan Anh ng Vietnam.

Continue reading below ↓

Bukod sa third runner-up place, si Jeff ang nanalo ng special award na Best Fashion Model.

Nagsimula ang Manhunt International contest noong 1993 kaya ngayong 2018 ang silver anniversary ng beauty pageant para sa mga kalalakihan.

Sa history ng Manhunt International, isang beses pa lang na nananalo ang representative ng Pilipinas.

Ito ay si June Macasaet, ang grand winner ng 16th edition ng Manhunt International na ginanap sa Scala Theatre, Siam Square, Bangkok, Thailand, noong November 9, 2012.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results