Sikat na fashion designer, nabuking na nagparetoke sa Thailand

Sikat na fashion designer, nabuking na nagparetoke sa Thailand
by Jojo Gabinete
Dec 3, 2018

Ang Kamol Hospital sa Bangkok, Thailand ang isa sa mga sikat na cosmetic, plastic surgery, at sex reassignment hospital sa buong mundo.

Dinarayo ito ng mga sikat na personalidad na may mga gustong ipaayos sa kanilang mga physical appearance.

Protektado ang privacy ng mga pasyente sa Kamol Hospital dahil pinangangalagaan silang mabuti ng staff.

Pero walang puwedeng ilihim sa mga Pilipino na mabibilis at matatalas ang mga mata.

Noong Sabado, December 1, hindi sinasadyang nakita ng isang grupo ng mga Pilipino ang prominent Filipino fashion designer sa 5th floor ng Kamol Hospital na strictly for patients only.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katatapos lang ng orientation ng Pinoy group sa 5th floor office ng ospital nang makasalubong nila sa hallway ang kababayang fashion designer.

Nabigla ang isa sa mga miyembro ng grupo kaya nabanggit niya nang hindi sinasadya ang pangalan ng fashion designer.

Nagulat naman ang fashion designer kaya nagtangkang umiwas, pero huli na ang lahat dahil nakilala na siya.

Apparently, katatapos pa lang ng procedure sa fashion designer kaya magang-maga ang kanyang mukha, lalo na ang bibig niya.

May popular patients ang ospital na hindi natatakot aminin ang mga ipinagawa nila sa kanilang mga mukha at katawan, kaya pumayag silang ilagay ang mga litrato nila sa wall of frame.

Isa na rito ang founder ng isang international beauty pageant na sumailalim sa female-to-male sex reassignment surgery.

MEDICAL TOURISM

Noong June 26, 2018, inimbitahan si Arnell Ignacio ng Thai Airways at Tourism Authority of Thailand sa LGBTQ familiarization tour sa Thailand.

Kabilang ang Kamol Hospital sa pinuntahan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
 IMAGE Arnell Ignacio Facebook

May sariling "hair clinic" si Arnell sa Greenhills, San Juan City, kaya nagkaroon siya ng interes sa hairline lowering at hair transplant procedure ng Bangkok hospital na malaki ang kontribusyon sa medical tourism ng Thailand.

Nangangarap din si Arnell na mapaunlad ang medical tourism sa Pilipinas na main goal din ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Highly advanced ang Kamol Hospital with the sexual reassignment procedures nila at malinaw ang expertise nila.

"Sa Korea naman, malinaw rin na ang pagbabago ng structure ng mukha ang kanilang expertise na very possible sa Pilipinas.

"Para bang yung vision ni former First Lady Imelda Marcos before with the Heart Center for Asia.

"Magiging tayo ang sentro na ma-tap ang medical tourism kung malinaw rin ang messaging kung saan ang forte natin.

"Ngayon, basta ang alam lang, meron tayo at maraming gumagawa ng enhancements.

"Pero yung malinaw na advantage kung dadayuhin tayo need some more fine tuning and direction," opinyon ni Arnell tungkol sa medical tourism sa Pilipinas.

Surprisingly, hindi kumportable si Arnell sa isyu ng sex-reassignment surgery.

Malinaw ito sa kanyang sagot nang itanong namin kung pabor siyang magkaroon ng mga ospital sa Pilipinas para sa mga transgender na gustong papalitan ang kanilang mga sex organ.

Aniya, "Although I will never be comfortable with the idea of sexual reassignment, mas gugustuhin ko na meron na mahusay at dalubhasa sa ganyang operasyon sa atin kesa kung saan-saang clinic magpupunta ang mga may gusto niyan na inaabot ng disgrasya dahil sa maling mga procedure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results