Jessy Mendiola, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sobrang pamba-bash

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang pag-iyak ni Jessy Mendiola ang highlight ng presscon ngayong hapon ng The Girl in the Orange Dress, ang pelikula nila ni Jericho Rosales na official entry ng Quantum Films sa 44th edition ng Metro Manila Manila Film Festival (MMFF).

 IMAGE Noel Orsal

Pumatak ang luha ni Jessy nang sabihin nito ang nararamdamang tuwa dahil siya ang napili na magbida sa The Girl in the Orange Dress at ito ang unang pelikula niyang kalahok sa MMFF.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Jessy na blessing in disguise ang pagdating ng proyekto na nakapagpabago ng desisyon niyang tumigil na sa pag-aartista, na suportado ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

"Itinatanong ko po sa kanya [Luis] lahat. Isine-share ko sa kanya ang lahat ng saloobin ko about showbiz.

"Siyempre, sa panahon ngayon ng social media, malala na ang negativity at bashers. Hindi ko puwedeng i-deny na hindi ako naaapektuhan.

"He’s very supportive sa kahit anong desisyon ko.

"Nung malaman niya na gusto ko nang mag-give up, sabi niya, ‘Sige, okey lang. Bumalik ka sa kung anong gusto mo na gawin. Tutulungan kita, susuportahan kita," pagbabahagi ni Jessy tungkol sa suporta na natanggap niya mula kay Luis.

Hindi nakalimutan ni Jessy na pasalamatan ang Diyos dahil sa mga biyaya tulad ng pagbibida sa The Girl in the Orange Dress na natanggap niya sa panahon na handa na siya na tumigil sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

"Pakiramdam ko po, hindi talaga para sa akin, sa lahat ng negativity na nangyari for the past two years, parang pakiramdam ko, baka hindi ito right for me kaya nag-isip na rin ako na umalis o mag-give up.

"Right timing talaga. Siguro, a few weeks after na nag-decide ako, biglang dumating yung script nito," emosyunal na rebelasyon ni Jessy.

Balak ni Jessy na bumalik sa pag-aaral kung natuloy ang pamamaalam niya sa entertainment industry.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results