Sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gabby Concepcion, Jona, Julie Anne San Jose, Renz Verano, Jason Dy, at Randy Santiago ang invited performers sa Gabay Guro Teacher’s Festival na magaganap sa Navotas Sports Complex bukas, December 6.
Apat na libo ang bilang ng mga gurong imbitado at bibigyan ng tribute ng Gabay Guro Foundation sa Teacher Festival sa Navotas.
Matutupad ito dahil sa pakikipagtulungan ng local government units.

Pahayag ni Gabay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla, “We partnered with the LGU for this event.
"We want Navotas to experience this firsthand because we know that it is in these events where teachers get to experience the tribute they deserve.
"Our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. We believe in what Gabay Guro stands for.
"We give our all to make our teachers feel special but, at the end of the day, we are the ones who feel so much more blessed.
"The gratitude they show is priceless. It makes everything worth it."
Labing-isang taon na ang Gabay Guro na patuloy nagbibigay ng tulong at pag-asa sa pamamagitan ng Pillars of Learnings, ang scholarships (2,000 scholars sa 52 state colleges at universities sa buong Pilipinas, 500 LET passers, at 800 graduates); Livelihood Programs; Housing and Educational Facilities (49 na silid-aralan na itinayo at ibinigay na donasyon sa mga paaralan sa Cebu, Bohol, Leyte at Capiz); Broadband and Computerization; Teachers Training (trained over 40,000 teachers in over eight training programs); Teachers’ Tribute; at ang pinakahuli, ang Innovation Pillar na maglulunsad ng Gabay Guro app na pakikinabangan nang husto ng mga guro at mag-aaral.
Ang Gawad Tanglaw award, Anvil Awards, Phil. Association of National Advertisers (PANA) at ang Philippine Quill Awards ang ilan sa mga parangal na natanggap ng Gabay Guro Foundation dahil sa walang sawa na pagtulong at pagsuporta nito sa mga guro.