Quizon family, hinihintay na lang ang "blessings" mula sa mga ari-arian ni Dolphy

Hindi lamang ang mga tanong tungkol sa one great love niya ang sinagot ng actor-director na si Eric Quizon sa presscon ng One Great Love kahapon, December 4.

Naging honest din siya sa pagsagot sa mga nag-usisa tungkol sa mga ari-ariang naiwan ng kanyang ama, ang Comedy King na si Dolphy na pumanaw noong July 10, 2012.

Dolphy and Eric Quizon
IMAGE File / Noel Orsal

Si Eric ang pinili ni Mang Dolphy para maging administrator ng kanyang mga maiiwang property.

Tinutulan ito noong una ng ina ni Eric na si Pamela Ponti.

Kuwento ng One Great Love director, "Before that, nag-usap sila ng mommy ko. Pinapagalitan pa nga siya ng mommy ko kasi nga my dad chose me to be the administrator.

"Sabi ng mommy ko, ‘Bakit mo binibigyan ng problema si Eric? Baka mamaya awayin siya…’

"Sabi ng daddy ko, ‘Hindi, walang ibang gagawa niyan. Siya lang.’

"So, yung mommy ko, parang sige, 'Okay, that’s your decision,' at saka nangako naman ako sa daddy ko, so okey lang.

"So far, okey kami. Maayos naman lahat ever since.

"Ngayon siguro, we’re just waiting for the blessings, yung mga biyaya."

Ang pag-aasikaso sa malawak na lupain sa Calatagan, Batangas, na ginawa nila ng kanyang mga kapatid na subdivision at may pangalan na Dolphyville, ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Eric.

Ang Dolphyville ang magiging location ng Dolphy Museum ng Quizon siblings, hindi na sa original plan na itayo ang museum sa isang property ng King of Comedy sa Antipolo City.

Hindi na rin itutuloy ng mga anak ni Mang Dolphy ang planong alisin sa Heritage Park at ilipat sa binabalak na Dolphy Museum ang labi ng sumakabilang-buhay na komedyante.

"We have a project in Calatagan, it’s a subdivision.

"We’re just waiting for the license to sell. After that, we can sell the property, phase by phase.

"It’s called Dolphyville in Calatagan. It has five hundred lots so it’s going to be good for the family.

"It’s just taking time but, at least, everyone will be okay, kaya lang medyo matagal, it’s been six years," sabi ni Eric.

Kahit hindi kasal si Mang Dolphy sa kanyang longtime companion na si Zsa Zsa Padilla, kasali pa rin ito sa mga desisyon ni Eric kapag ang mga property ni Mang Dolphy ang pinag-uusapan.

"Even if Zsa Zsa is not an heir, ang usapan kasi namin before my dad died, kung anuman ang desisyon, consult Zsa Zsa or pag-uusapan namin ni Zsa Zsa, which we always do."

Hindi raw kasama sa Quizon estate ang bahay nina Zsa Zsa at Mang Dolphy sa Marina Bay, Parañaque City, na ipinagbili ng singer-actres.

Ayon kay Eric, "That’s under the name of Zsa Zsa and my two sisters, so hindi yun parte ng estate.

"Kung ano lang ang naiwan sa estate, yun lang ang pinag-uusapan, but the rest, bago namatay ang daddy ko, binigyan na kami.

"Meron naman lahat."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN