Maine Mendoza at Coco Martin, magkamag-anak kaya di puwede ang kissing scene

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang distant relative niya si Coco Martin ang rebelasyon ni Maine Mendoza sa presscon ng Jack Em Popoy: The Pulis Credibles, na kasalukuyang nagaganap sa isang events place sa Quezon City.

 IMAGE Noel Orsal

Ikinuwento ni Maine na nalaman niyang magkamag-anak sila ni Coco dalawang linggo bago nag-umpisa ang shooting ng pelikula nila na official entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Natuklasan ni Maine ang katotohanan nang magkaroon ng reunion ang pamilya nila sa Bulacan at nang makita niya ang kanilang family tree.

Kinumpirma ni Coco ang pahayag ni Maine dahil tinanong niya ang kanyang lola tungkol sa mga kamag-anak nila sa nabanggit na probinsiya.

Si Maine ang love interest ni Coco sa Jack Em Popoy.

Ang pagiging distant relatives nila ang dahilan kaya walang kissing scene ang dalawa sa unang pagsasama nila sa pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results