Imported from Sweden ang musika na ginamit sa Aurora, ang suspense-thriller-horror movie ni Anne Curtis na official entry ng Viva Films sa 44th Metro Manila Film Festival.

Si Yam Laranas ang direktor ng Aurora, at siya rin ang sumulat ng kuwento ng pelikula, na kinunan ang lahat ng mga eksena sa Batanes.
Si Yam ang may idea na gamitin sa Aurora ang original music na nilikha ng award-winning Swedish composer at songwriter na si Oscar Fogelstrom.
"Oscar adds so much emotional resonance to the films we have worked on together.
"I love it that his approach to a scoring a scene is to find its emotional content and amplify it.
"He will score scenes in surprising and novel ways—always unexpected and unfailingly spot on," paglalarawan ni Yam kay Fogelstrom, na nakatrabaho niya sa 2015 movie na Abomination.
Tungkol sa isang lumubog na barko na Aurora ang pangalan ang kuwento ng Aurora.
Leana ang pangalan ng karakter ni Anne sa pelikula, at siya ang may-ari ng rundown inn na tinuluyan ng mga kamag-anak na naniniwalang buhay pa ang mga biktima ng lumubog na barko na hinahanap nila.
Tumulong si Leana sa paghahanap sa mga bangkay ng mga biktima, at dito nagsimula ang mga nakakatakot na karanasan nila ng kanyang eight-year-old sister na ginagampanan ni Phoebe Villamor.
Si Marco Gumabao ang gumanap na ex-boyfriend ni Anne sa Aurora, at ito ang unang beses na nakasama niya sa isang movie project ang aktres.
"Sobrang bait, humble, easy to talk to, at approachable" ang mga papuri ni Marco kay Anne.