Anne Curtis, hindi umaasang manalong best actress sa MMFF 2018

by PEP Troika
Dec 8, 2018

Pareho ang katuwiran nina Lea Salonga at Anne Curtis na mahal nila ang kanilang mga ginagawa—ang pagkanta at pag-arte, respectively—kaya hindi umaasa ang dalawang makatatanggap sila ng mga parangal.

Sa presscon ng MMFF 2018 entry na Aurora kagabi, December 7, tinanong si Anne kung umaasa siyang mananalo ng best actress award.

Continue reading below ↓

Maagap niyang sagot, "I don’t think whenever you do a film, you do it just because you wanna win an award. I do it because I love to do films, I love acting.

"Getting an award, I think it’s just a cherry on the top.

"Of course, you would be thrilled to receive an award, but I don’t think you should go in there expecting 'I’m gonna win an award.'"

Ten years ago, nanalo si Anne ng best actress trophy dahil sa performance niya sa Baler, ang official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2008.

Natatandaan namin ang kanyang gulat na gulat na reaksiyon dahil hindi siya umasang mananalo.

Makalipas ang isang dekada, may pelikula uli si Anne na kalahok sa Metro Manila Film Festival, ang Aurora, na mula sa direksiyon ni Yam Laranas.

Kung hindi iniisip ni Anne na mananalo siyang pinakamahusay na aktres sa Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival, na magaganap sa December 27 sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, iba naman ang pangarap ni Direk Yam.

Continue reading below ↓

"Sa lahat ng mga wini-wish ko for the movie, next to making it the way I wanted it para ma-entertain yung mga tao, my other big wish is for Anne to win best actress.

"Because in all of the films out there as an entry, with all the biggest respect to the other actresses in other entries, this is the movie, kinda big scope of a movie that there’s only one character that carries the entire film from start to finish, isa lang ang karakter—and that’s Anne.

"And that’s my greatest wish, that she wins the best actress," passionate na pahayag ni Yam sa presscon ng Aurora na ginanap sa isang hotel sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, kagabi.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results