JC de Vera, malaki ang ipinagbago mula noong naging daddy

by Jojo Gabinete
Dec 8, 2018
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram

Labinlimang taon na ang acting career ni JC De Vera pero nang makausap namin siya sa presscon ng One Great Love, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 44th Metro Manila Film Festival, ipinagtapat niya na noon lamang siya naging komportable sa pagpapainterbyu.

Naniwala kami sa sinabi ni JC dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ganadong-ganado siya na magkuwento tungkol sa kanyang personal na buhay, sa relasyon nila ng asawa niyang si Rikkah Cruz at ang kanyang mga pangarap para sa kanyang 8-month old daughter na si Lana Athena.

 IMAGE @akosijcdeberat on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pangarap ko para kay Lana, to begin with, is makatapos siya ng pag-aaral which is the ultimate gift na gusto ng mga magulang para sa mga anak nila.

“Aside from that, gusto ko rin na maging kind and humble person siya.

“Mas more ako doon sa well-being ng bata kesa achievements na mare-receive niya when she grows old,” sabi ni JC.

Ikinuwento rin ni JC na civilly wed na sila ni Rikkah nang isilang nito ang kanilang panganay at kailanman, hindi niya itinago sa publiko ang kanyang asawa.

Diin niya, “Hindi ko siya isinikreto.

“Hindi ko lang siya inilalabas sa TV pero nakikita kami sa labas.

“Four years na ang relasyon namin bilang boyfriend-girlfriend pero magkakilala na kami since high school.

“Ano kami, schoolmates… pareho kami ng school.”

Inamin ni JC na may mga pagkakataong naaapektuhan ng mga showbiz intrigue ang asawa niya dahil hindi ito sanay sa mundo na kanyang ginagalawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad niya, “Merong stage na affected talaga, kasi galing siya sa ibang side ng mundo.

“Hindi naman siya sanay sa industry natin, so it took awhile hanggang maka-adjust siya sa ginagalawan kong industriya.

“Right now, she’s comfortable and she’s really okey na.”

Mula nang magkaroon siya ng asawa at anak, malaki at maraming pagbabago ang nangyari sa buhay ni JC dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng participation sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Pahayag niya, “Mas hindi ako natutulog ngayon. Hahaha!

“Even before naman, goal-driven naman ako. Maayos naman talaga ang buhay ko.

“Ang nag-change, yung priorities lang such as kailangan, above anything, kailangan sila yung mauna.

“Kailangan ko na mawala sa ugaling pagkabinata.

“Kung meron times na niyayaya ka ng mga kaibigan or kailangan mong tumanggap ng trabaho, there are times na hindi ko sinasagad ang sarili ko sa work.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results