Sarah Geronimo, kakaiba ang magiging co-star sa 2019 movie

Isang “talented dog” ang important co-star ni Sarah Geronimo sa bagong pelikulang gagawin niya sa 2019.

IMAGE @junrobleslana on Instagram

Nagkaroon ng story conference ang project noong nakaraang linggo pero hindi nagbigay ng detalye ang mga producer ng pelikula, ang Viva Films at The Idea First Company nina Jun Lana at Perci Intalan.

Si Jun ang direktor ng pelikula na pagbibidahan ni Sarah at tinaguriang follow-up project sa blockbuster movie nito, ang Tagalog adaptation ng Miss Granny, na napanood sa mga sinehan noong August 2018.

Si Jun ang nag-post sa kanyang Instagram account ng teaser ng pelikula na gagawin nila ni Sarah kaya nalaman ito ng publiko.

From somebody in the know, kakaibang pelikula ito para kay Sarah dahil maganda ang kuwento na talagang pinag-usapan nilang mabuti ni Jun.

In short, may contribution si Sarah sa development ng project.

Sa 2019 pa ang umpisa ng shooting ng mystery project dahil maraming paghahanda ang gagawin nina Jun at Sarah.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN