Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Coco, bawal banggitin sa promo ng pelikula nila nina Vic at Maine sa GMA-7?

by Jojo Gabinete
Dec 9, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-aalburoto ang fans ni Coco Martin na matatalas ang mga mata at pandinig dahil napansin nilang hindi binanggit ni Maine Mendoza ang pangalan ng aktor nang mag-promote ang lead actress ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa Sunday PinaSaya.

 IMAGE Noel Orsal

“Ayun, mga Dabarkads, mga Kapuso, Jack Em Popoy po, The Puliscredibles, huwag po n’yong kalimutan, sa December 25 na po ‘yan.

Continue reading below ↓

“Marami po kaming kasama diyan, Bossing Vic Sotto, and me myself and I at marami pa pong iba.

“Sana po unahin niyo po yan sa mga sinehan,” ang eksakto, walang labis at walang kulang na imbitasyon ni Maine sa televiewers sa guesting niya sa Sunday PinaSaya ngayong hapon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang Twitter ang ginamit ng netizens na social media platform para iparating sa mga kinauukulan ang kanilang napansin na hindi pagbanggit ni Maine sa pangalan ni Coco.

 IMAGE Twitter
Continue reading below ↓
 IMAGE Twitter
 IMAGE Twitter
Continue reading below ↓

Para malutas ang misteryo, isang insider ng Sunday PinaSaya ang tinanong ng Cabinet Files.

Kinumpirma niyang bawal banggitin ang pangalan ni Coco dahil hindi rin umano nababanggit sa mga programa ng ABS-CBN sina Maine at Vic, ang co-stars ng aktor sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Posibleng ikalungkot ni Coco ang isyu dahil sa presscon ng filmfest movie nila noong Huwebes, sinabi niya ang kagustuhan niyang mag-guest sa Eat Bulaga! para i-promote ang Jack Em Popoy.

“Actually, wala naman pong problema yun kasi ngayon, sabi ko nga, wala nang rival.

“Ang paggawa ng pelikula, lalo na ngayong Kapaskuhan, ginagawa po natin ito para mapaligaya yung mga Pilipino, hindi po para maglaban-laban kung sino yung magiging number one.

“Wala na pong ganoon.

“Kumbaga, gawin na lang natin ito para mapasaya yung mga tao,” ang umaasang pahayag ni Coco hanggang mangyari kanina sa Sunday PinaSaya ang hindi pagbanggit sa pangalan niya.

But in all fairness sa Eat Bulaga, araw-araw na ipinapakita sa Monday to Saturday noontime show ng GMA-7 ang teaser ng mga eksena ni Coco sa pelikula nila nina Vic at Maine.

Continue reading below ↓

Ang TAPE Productions ang producer ng Eat Bulaga na may blocktime deal sa GMA Network, Inc.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results