Robin Padilla, kumpirmado na ang pagganap bilang Gen. Bato dela Rosa sa pelikula

Kumpirmadong isasalin sa pelikula ang life story ni former Philippine National Police Chief Ronaldo "Bato" dela Rosa at mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Si Robin Padilla ang gaganap sa film bio ni Dela Rosa.

IMAGE Noel Orsal

Pero ayon kay Adolf, hindi pa nila inuumpisahan ang shooting dahil inaayos pa ang lahat.

Bago pa namin tinanong si Adolf, may nakapagsabi na sa aming may playdate na ang project—kahit hindi pa nagsisimula ang filming.

Ayon sa Cabinet Files source, sa January 30, 2019 ang playdate ng pelikula na dapat maipalabas sa mga sinehan dahil sa February 12, 2019 ang umpisa ng pangangampanya ng mga senatorial candidate.

Kakandidato si Dela Rosa na senador sa ilalim ng PDP-Laban political party ni President Rodrigo Duterte sa mid-term elections sa May 2019.

Malinaw na may kinalaman sa magaganap na eleksyon ang pagpayag niyang gawing pelikula ang kanyang talambuhay.

Isang multi-awarded actor ang inalok para gumanap na Duterte sa isasapelikula na kuwento ng buhay ni Dela Rosa, pero tumanggi siya dahil may conflict sa kanyang busy schedule ang shooting.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN