Talent manager at PEP columnist na si Noel Ferrer, recording artist na

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2018
PHOTO/S: Noel Ferrer Instagram

Singer na rin ang PEP Troika writer at talent manager na si Noel Ferrer.

Ni-revive niya para sa kanyang 50th birthday sa December 11 ang "Can’t Help Wond’ring Why," na maaari nang i-download sa Spotify, iTunes, at sa ibang social media stores, simula bukas, sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Original composition ni National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab at ng misis nito na si Emmy ang "Can’t Help Wond’ring" Why para sa isang Singaporean artist pero muling ni-record ni Dessa noong 1996.

Hindi nagkaroon si Dessa ng pagkakataon na i-promote ang kanta niya dahil sa edad na 21, nagbuntis siya sa kanyang anak na si Khiana Noshka.

Ironically, si Khiana na 21 years old na ngayon ang ka-duet ni Noel sa sariling version nito ng "Can’ Help Wond’ring Why."

Ang makapag-record ng kanta ang isa sa mga bucket list ni Noel na natupad kaya memorable ang 50th birthday niya.

Continue reading below ↓

"As the song title says, I myself can’t help wondering why I had this urge to record.

"I was probably inspired by the success of the Pinoy Playlist Music Festival that Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz, and I did with the BGC Arts Center Foundation last October that I told Mrs. C [Emmy] that I wanted to record her song," paliwanag ni Noel tungkol sa kanyang bagong achievement sa entertainment industry na ginagalawan niya.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Ryan Cayabyab
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results