Dating aktres na si Alona Alegre, hiniling na i-cremate ang kanyang mga labi

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2018
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nakahimlay sa Chapel B & C ng Marian Memorial Chapels and Crematory, Inc. sa 017 Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo City, ang mga labi ni Maria Lourdes Dabao Salvador—na higit na kilala bilang si Alona Alegre, ang top sex symbol, movie producer, at aktres noong dekada ’70.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Pumanaw si Alona kahapon, December 9, sa edad na 70, dahil sa asthma at cardiac arrest.

Anak si Alona ng LVN actress na si Inday Jalandoni, na Dabao ang tunay na apelyido kaya kamag-anak din niya ang aktor na si Ricky Davao.

Ang half-siblings ni Alona na sina Ramon at Phillip Salvador ang nag-asikaso sa lahat ng mga detalye tungkol sa burol niya.

Si Phillip ang youngest son sa 102 children ng actor/comedian/basketball player na si Lou Salvador Sr.

Pagbibigyan nina Ramon at Phillip ang kagustuhan ng kanilang kapatid noong nabubuhay pa ito na ipa-cremate ang kanyang labi kapag binawian siya ng buhay.

Nakatakda ang cremation sa bangkay ni Alona sa Biyernes, December 14.

Kahit pumayat at nagkaedad, magandang-maganda pa rin ang mukha ni Alona.

Pero dahil likas na vanidosa si Alona, napagdesisyunan ni Phillip na closed casket ang lamay para sa pumanaw na aktres.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Bago nagpasya na huwag ipakita sa mga makikiramay ang bangkay ni Alona, hiningi ni Phillip ang opinyon ng kanyang mga kapatid at pamangkin na nagkaisa sa desisyong closed casket dahil sobrang vanidosa nga ang aktres.

Dumating sa unang gabi ng burol ni Alona ang kanyang mga pamangkin, ang former actors na sina Ricky Rivero, Marco Salvador, at Deborah Sun.

Nang itanong namin kina Ramon at Phillip ang hindi nila makakalimutan na ugali ni Alona, sinabi nilang napakabait ng aktres na itinuring sila na mga anak, hindi lamang basta mga kapatid.

Hindi man magsalita sina Ramon at Phillip, mararamdaman ang kanilang sobrang pagdadalamhati dahil pabalik-balik sila sa ataul ni Alona para pagmasdan ito bago tuluyang isinara.

Heartbreaking ang paghalik at paulit-ulit na paghaplos ni Phillip sa kabaong ng kanyang kapatid.

Continue reading below ↓
Phillip Salvador in front of sister Alona Alegre's casket
 IMAGE Jojo Gabineteal

Si Phillip ang pumili ng litrato ng young Alona na nakalagay sa tabi ng ataul ng pumanaw na aktres.

Ang aktor din ang nagbilin sa mga nag-ayos sa bangkay na gusto niyang makitang maaliwalas ang mukha at nakangiti ang kanyang Ate Alona.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Phillip Salvador
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results