Anak ng '80s sexy star na si Myra Manibog, kabilang sa mga nagpasaya sa mga bata sa Child Haus

Anak ng '80s sexy star na si Myra Manibog, kabilang sa mga nagpasaya sa mga bata sa Child Haus
by Jojo Gabinete
Dec 11, 2018
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kabilang ang anak ng former sexy star na si Myra Manibog sa mga performer noong Linggo, December 9, sa Pasko sa Bahay ni Kuya Hans, ang Christmas party ng Child Haus, ang temporary shelter ng mga indigent cancer-stricken children na itinatag ng businessman at philantrophist na si Ricky Reyes.

Alekzandra ang pangalan ng 21-year-old daughter ni Myra at ang award-winning composer na si Vehnee Saturno ang mentor niya.

 IMAGE Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating member ng banda si Alekzandra hanggang magdesisyon siyang tumiwalag sa grupo para maging solo singer.

"Kahit ‘Di Na Tayo" ang unang single at original composition ni Alekzandra na iprinodyus ng Vehnee Saturno Music Corporation, ang pag-aaring recording studio ni Vehnee.

Si SM Prime Holdings Inc. President Hans Sy ang VIP guest sa Christmas party ng Child Haus.

Tumatanaw ng malaking utang na loob si Ricky kay Mr. Sy dahil ito ang nagpatayo sa gusali ng Child Haus sa F. Agoncillo St. Paco, Manila.

Bukod sa donasyon na building, patuloy si Mr. Sy sa pagbibigay ng tulong sa mga batang may sakit na kanser na nagmula pa sa lugar na malalayo sa Pilipinas at pansamantalang kinakalinga ng Child Haus habang nagpapagamot sa mga ospital sa Metro Manila.

Sa Christmas party na ginanap noong Linggo, December 9, masayang ibinalita ni Reyes kay Mr. Sy na marami sa mga batang may kanser na nanirahan sa Child Haus ang bumuti ang kalagayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kuya Hans, gusto naming ibalita sa ’yo sa taong 2018, walong daang kabataan ang tumira sa The Child Haus.

"At ang magandang balita, out of eight hundred, sampu lang ang umakyat sa langit," pahayag ni Ricky.

Ibinigay din ni Ricky kay Mr. Sy ang kopya ng report na simbolo ng tagumpay ng kanilang advocacy na tulungan ang mga kabataan na may sakit na kanser.

On the other hand, umiiyak na nagpasalamat kina Reyes at Mr. Sy ang ina ng nagngangalang Richard, ang batang nakatakdang ilipad sa December 12 sa isang ospital sa India para sa liver transplant surgery.

 IMAGE Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sila makatagpo ng tutulong sa kanila sa Maynila, so binigyan sila ng letter ng Philippine Children’s Medical Center, para matanggap si Baby Richard sa Child Haus.

Ngayong dadalhin na si Richard sa India para sa kanyang liver transplant, ihinabilin ito sa isang Filipina representative mula sa Indian Chamber of Commerce.

Kuwento pa ni Ricky, “Ang magbibigay ng liver sa kanya, yung nanay niya.

"At si Mayor Sandy Javier ng Javier, Leyte na kaibigan ko, nagbigay ng PHP300,000 para pambayad sa mga gastos sa India dahil pagkatapos ng operasyon, they have to stay there for another three months.

"Kailangan nila ng pera para sa mga gamot at pagkain nila." 

Tinatayang aabot ng PHP1.8 million ang kailangang pera para sa liver transplant operation ng batang si Richard.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results