PH bet na si Beau Singson, hindi nagwagi sa Mrs. Universe Philippines 2018

by Jojo Gabinete
Dec 11, 2018
PHOTO/S: Mrs. Universe, Mrs. Europe-France Facebook / @mrsuniversephilippines2018 Instagram

Patuloy ang "losing streak" ng Pilipinas sa mga international beauty pageant, dahil hindi pinalad si Mrs. Universe Philippines 2018 Beau Singson na manalo sa 41st Mrs. Universe na ginanap kagabi sa Sky Hall ng SM Seaside, Cebu City.

Mapalad na nakabilang si Beau sa Top 25 candidates pero nabigo siyang makuha ang Mrs. Universe title na napanalunan ni Julia Gershun ng Monaco.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mrs. Universe, Mrs. Europe-France Facebook / @mrsuniversephilippines2018 Instagram

Television host at actress si Beau na sanay nang sumali sa mga international modelling competition. Siya rin ang winner ng Top Model of the World contest noong nakaraang taon.

Napanood via Facebook live streaming ang very amateur presentation ng grand coronation night ng 41st Mrs. Universe, na hindi maituturing na matagumpay dahil hindi pa umabot sa 450 ang bilang ng mga nanood na netizens.

At kung kailan malapit na ang announcement ng winners, saka bumaba sa 299 ang viewership.

Kasabay ng finale show ng 41st Mrs. Universe sa Pilipinas ang National Costume Show ng 67th Miss Universe sa Nong Nooch International Convention and Exhibition Center sa Pattaya, Thailand.

Ipinagbunyi ng beauty-pageant-obsessed Filipinos ang Pampanga-made at parol-inspired national costume ni Miss Universe Philippines Catriona Gray.

Umiral ang pagiging makabayan ng mga supporter ni Catriona, dahil para sa kanila ang Philippine bet ang may karapatang manalo ng Best in National Costume award, kahit pa extraordinary at malakas din ang impact ng mga national costume nina Miss Laos On-anong Homsombath at Miss Thailand Sophida Kanchanarin.

Continue reading below ↓

Kung dinala ni Catriona ang Luzon, Visayas, at Mindanao sa Miss Universe, forty kilos naman ang bigat ng dalawang kasama o back up ni Miss Laos.

Habang ang white elephant na simbolo ng kapangyarihan at kapayapaan para sa mga Thai ang "binuhat" ni Miss Thailand.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, PEPalerts
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mrs. Universe, Mrs. Europe-France Facebook / @mrsuniversephilippines2018 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results