Carla, Rocco, at Christian mami-miss ang magandang samahan nila sa Pamilya Roces

by Jojo Gabinete
Dec 11, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang maayos at magandang samahan ng cast at ang working relationship sa direktor na si Joel Lamangan ang ilan sa mga hindi makalilimutang karanasan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Christian Bautista sa set ng Pamilya Roces.

Rocco Nacino, Carla Abellana, and Christian Bautista
 IMAGE Noel Orsal

Magwawakas na sa darating na Biyernes, December 14, ang prime-time series ng GMA-7 na nagsimula noong October 8.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Carla, "Ensemble cast kami kaya madalas po kapag marami, mas masaya.

"Isang reason is because may mga grupo na magkakaedad kaya nagkakasundo po talaga sa mga hilig at interes.

"Hindi naman ako takot kay Direk Joel dahil sanay na sanay na ako na katrabaho siya."

Aminado naman si Rocco na takot siya kay Joel, pero saludo siya sa husay ng Pamilya Roces director.

Aniya, "Isa na rin ang rason na takot kami sa kanya, kasi sama-sama kami na natatakot sa kanya, which makes it fun in a way.

"At the same time, nawawala na yung pagiging takot dahil nagagamay na namin si Direk, kaya alam na namin na dapat behaved kami sa set at dapat alam na namin yung aming mga gagawin."

Para naman kay Christian, respeto at hindi takot kay Joel ang nararamdaman niya.

"It is not about takot. It is about respect.

"It started in the beginning. Direk Joel established his vision and his goals and his request that everyone works together for the good of the show.

Continue reading below ↓

"Everyone also really had the heart to connect with everyone at a level that is both friendly and professional," sabi ng newlywed singer-actor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results