Sen. Manny Pacquiao, namudmod ng tatlong milyong piso sa mga kasambahay, driver, security guard

Pinag-uusapan ng rich residents ng Forbes Park, Makati City, ang mahabang pila sa harap ng bahay ni Senator Manny Pacquiao.

Umaasa ang mga taong ito na makatanggap ng Pamasko mula sa Pambansang Kamao.

IMAGE @mannypacquiao on Instagram

"Crazy scene" ang reaksiyon ng isang eyewitness sa mahabang pila ng mga kasambahay, driver, at security guards na sumugod sa Forbes Park home ng mga Pacquiao dahil mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pamumudmod ng cash gifts ng Filipino boxing champ.

Nangyari ang insidente ngayong umaga, December 11.

Ayon sa kuwento ng isang residente, nakarating sa kaalaman niyang tatlong milyong piso ang ipinamigay ni Senator Pacquiao sa mga nakapila.

Reportedly, tatlong araw nang pumipila ang mga ordinaryong tao sa harap ng tahanan ng mga Pacquiao at nag-uumpisa ito ng alas-tres ng madaling-araw.

Hinahangaan at pinupuri si Pacquiao ng mga kapitbahay niya sa Forbes Park dahil sa kanyang generosity at pagbabahagi ng biyaya sa mga nangangailangan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN