Angelika dela Cruz, boto kay Nash Aguas para sa kapatid na si Mika

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2018
PHOTO/S: Angelika dela Cruz Instagram

Mabait at responsable si Mika dela Cruz kaya hindi nakikialam ang ate niyang si Angelika dela Cruz sa pakikipagrelasyon nito kay Nash Aguas.

Base sa tono ng pananalita ni Angelika, boto siya kay Nash bilang boyfriend ni Mika dahil nasubaybayan niya ang paglaki ng young actor.

View this post on Instagram

Happy Birthday baby girl @mikadlacruz �??? i love you to the moon and back #sisters #mysister #sisterhood #happiness

A post shared by Angelika Dela Cruz (@angelikadelacruz) on

Pero malinaw ang kanyang sinabing hindi siya kunsintidora.

Saad ni Angelika tungkol sa relasyon nina Mika at Nash, "Hindi ako kunsintidora.

"Mabait kasi yung bata. Alam mo ang teenager, higpitan mo kapag hindi niya alam yung relasyon niya.

"Si Mika, napakabait na bata, si Nash din, mabait na bata.

"Si Mika nga yung tipong nabu-bully lagi. Kahit binu-bully, hindi yun sumasagot.

"Magkakilala sila simula bata.

"Maliit pa lang si Nash, kasama ko na, paano mo susungitan? Mabait siya."

Nakausap si Angelika ng entertainment writers na dumalaw sa set ng Inagaw Na Bituin, ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7.

Si Sunshine Dizon ang gumaganap na kapatid ni Angelika sa Inagaw Na Bituin at ang mga tunay na boses nila ang gagamitin sa kanilang mga singing scene.

Mahusay na singer at dancer si Angelika, pero hindi na SIYA napapanood na kumakanta at sumasayaw dahil nalinya siya sa pag-arte.

Continue reading below ↓

kaya gustUng-gusto niya ang kanyang karakter sa Inagaw Na Bituin na tinatampukan din nina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Angelika dela Cruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results