Vice Ganda, inalaska si Anne Curtis tungkol sa horror movie niya

"Bakit hindi na lang ikaw ang kumanta ng theme song ng pelikula mo, tutal horror naman?" ang suggestion ni Vice Ganda kay Anne Curtis, ang lead actress ng Aurora, ang official entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 44th edition ng Metro Manila Film Festival.

Tinawanan lang ni Anne ang biro ni Vice dahil tanggap niya na hindi siya talaga singer.

Vice Ganda and Anne Curtis
IMAGE Instagram / Noel Orsal

Official entry rin sa Metro Manila Film Festival ang Fantastica, ang pelikula ni Vice na co-production venture ng Star Cinema at Viva Films.

Pero kahit magkalaban ang mga movie project nila ni Anne na magkaiba ang genre, magkasabay na nagpo-promote sa It’s Showtime ang dalawa.

Kung isyu ang hindi pagbanggit ng pangalan ni Coco Martin nang mag-promote si Maine Mendoza ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa Sunday PinaSaya noong nakaraang linggo, malayang-malaya na nababanggit ni Vice sa It’s Showtime na co-star niya sa Fantastica ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Incidentally, unlike Sigaw (2004), wala sa plano ng Aurora director na si Yam Laranas na gumawa ng American version ng pelikula ni Anne.

"Any story naman puwedeng i-adapt into any language, pero for now, ang Aurora is a complete story na I feel, we don’t have to adapt.

"But, yes, we want it to release worldwide in Filipino [with English subtitles]," pahayag ni Yam.

Ang Sigaw ang 2004 suspense-thriller movie ng Regal Entertainment, Inc. na nagkaroon ng Hollywood remake, ang The Echo na pinagbidahan ng American actor na si Jesse Bradford noong 2008.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN