Ricci Rivero, hindi nagpatinag sa akusasyong ginagamit niya ang KathNiel

Pinagsabihan na si UAAP basketball player at UP Fighting Maroons guard Ricci Rivero na iwasan nang banggitin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga interbyu para hindi na siya i-bash ng KathNiel fans.

IMAGE Noel Orsal

Nakatanggap si Ricci ng mga batikos, dalawang buwan na ang nakalilipas, dahil sa kanyang pahayag na "big fan" siya ng KathNiel kaya pinapanood niya ang lahat ng mga pelikula ng popular loveteam ng ABS-CBN.

Pinaratangan si Ricci na user dahil diumano'y ginagamit niya ang KathNiel para mapag-usapan.

Pero sa grand presscon ng Otlum kagabi, December 13, muling binanggit ng binata na tagahanga siya ng nabanggit na love team.

Naalarma ang mga tao sa paligid ni Ricci na pinayuhan itong huwag nang magsalita tungkol sa fascination niya sa KathNiel love team, dahil baka maulit lang ang pambabatikos sa UP Maroons basketball player.

Tila hindi naman apektado si Ricci sa posibilidad na ito.

Introducing si Ricci sa Otlum, ang official entry ng Horseshoe Studios sa 44th edition ng Metro Manila Film Festival.

Bukod sa paghanga sa KathNiel, ikinuwento ni Ricci na fan siya ng Tagalog movies kaya isang malaking karangalang makagawa siya ng pelikula na kasali sa MMFF 2018.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN