Mga labi ni Alona Alegre, na-cremate na

by Jojo Gabinete
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Courtesy of Ricky Lo

Nagpapasalamat si Phillip Salvador sa lahat ng mga nakiramay sa kanila, nagpadala ng mga bulaklak at encouraging messages dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Alona Alegre.

Binawian ng buhay si Alona sa edad na 70 noong Linggo, December 9, 2018.

 IMAGE Courtesy of Ricky Lo

Limang araw na ibinurol ang mga labi ni Alona sa Marian Memorial Chapels sa Marcos Highway, Antipolo City.

Continue reading below ↓

Dito nagkita-kita ang kanyang mga kaibigan na pare-pareho ang sinasabi—likas na mabait, malambing, at matulungin ang former actress.

Tinupad ng pamilya Salvador ang kahilingan ni Alona na ipa-cremate ang mga labi nito kapag namatay siya.

Naganap ang cremation sa mga labi ni Alona nitong Biyernes ng umaga, December 14, sa Heaven’s Gate Memorial Garden sa Antipolo City.

Ang kanyang mga kapatid na sina Phillip, Ramon, at Jumbo at mga pamangkin na sina Deborah Sun at Alain Sison ang mga sumaksi sa cremation.

Si Alain ang dating Marco Salvador na member ng That’s Entertainment.

Anak siya ng singer na si Marco Sison kay Maritess, ang youngest sister ni Alona na pumanaw na rin.

Ipinagkatiwala ng mga kapatid ni Alona kay Alain ang pag-iingat sa cremated remains ng aktres.

Pumanaw na dalaga si Alona, kahit sex symbol siya at makulay ang kanyang love life noong kasikatan niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Phillip Salvador
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Ricky Lo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results