Sina Mary Joy Apostol, Ava, Alexa Miro, at ang global singing group na 4th Impact ang mga talent ng Prime Management and Productions Inc. (PMPI), ang talent agency ng mag-asawang Ronnie at Ida Henares.

Baguhang aktres si Mary Joy pero nanalo na siya ng Best Actress awards sa mga international film festival.
Regular performer naman si Ava at ang banda nito sa Bar 360 ng Resorts World Manila.
Samantala, naging viral ang commercial ni Alexa para sa isang fast food chain.
Sumikat nang husto ang 4th Impact nang sumali sila sa The X Factor UK noong July 2015.
Sa mga hindi nakakaalam, malaki ang kinalaman nina Ida at Ronnie sa matagumpay na entertainment career nina Regine Velasquez at Lani Misalucha.
Ang Two of Us, ang highl-successful reunion concert ni Ronnie at ng '70s former heartthrob na si Jojit Paredes ang isa sa mga project ng PMPI.
Hindi lamang ang pamamahala sa career ng kanilang mga talent ang pinagkakaabalahan ni Ronnie dahil active ito sa paglabas sa telebisyon.
Mainstay si Ronnie ng Pepito Manaloto ng GMA-7 at napapanood siya sa Cain at Abel, ang primetime drama action television series ng Kapuso Network.
Hindi madali para kay Ronnie na pagsabayin ang pag-arte at pagiging manager dahil sa mga challenge na nararanasan niya.
“Hirap maging manager at artist nang sabay.
“Imagine that, as an artist, you have to memorize your lines, concentrate on what you need to do or grab some sleep if you are puyat.
“Imagine my being in the middle of a take and my cellphone rings, a client asking about an artist and I have to tell them that I’m doing a scene and I will call back.
“I ask cut offs for my artists but don’t have one for myself.
“But all that takes the backseat when your manager duties call like fixing a situation your artist is in or talking to a client regarding your artist,” masayang kuwento ni Ronnie tungkol sa kanyang career bilang artista at talent manager.