The Boobay and Tekla Show ng GMA-7, itatapat sa Gandang Gabi Vice

by Jojo Gabinete
Dec 16, 2018
PHOTO/S: Screen grab from the Boobay and Tekla Show

Ang digital comedy show na The Boobay and Tekla Show na bahagi ng GMA Online Exclusives na napapanood sa YouTube simula pa noong February 27, 2018, ang itatapat ng GMA-7 sa Gandang Gabi Vice, ang top-rating comedy talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from The Boobay and Tekla Show

Mula sa YouTube Channel ng GMA-7, ililipat sa free TV ng Kapuso Network ang The Boobay and Tekla Show na makakatunggali ng Gandang Gabi Vice simula sa January 27, 2019.

Hindi ordinary comedy talk show ang The Boobay and Tekla Show dahil bukod sa pagbibigay ng mga tip sa loyal followers at pagtalakay sa mga current event, may interview ang dalawa sa mga celebrity guest nila, truth or dare segment, 24 Questions at remakes ng mga popular video ang kanilang programa.

Hindi mawawala ang pressure na nararamdaman nina Boobay at Tekla dahil pitong taon na sa telebisyon ang show ni Vice Ganda na tatapatan nila tuwing Linggo ng gabi.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from the Boobay and Tekla Show
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results