Edu Manzano, balik-Kapamilya game show due to insistent public demand?

by Jojo Gabinete
Dec 16, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang production number ng Ang Probinsyano cast ang most applauded number sa Christmas special ng ABS-CBN na napanood kagabi sa Kapamilya Network.

Pinupuri ang song and dance number ng mga artista ng show ni Coco Martin dahil binigyan ng importansya ang supporting cast, hindi lamang ang lead stars.

Malakas na palakpakan at hiyawan ang natanggap ni Edu Manzano mula sa Smart Araneta Coliseum audience dahil siya ang nakapagkumbinsi sa lahat na sumayaw ng “Papaya,” ang dance craze na pinasikat niya bilang host ng game show na Game Ka Na Ba?, isang dekada na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Dahil malakas ang convincing power niya, hindi lang ang audience ng Big Dome ang napasayaw ni Edu dahil napapayag din niya na magsayaw ng “Papaya” dance ang mga executive ng ABS-CBN at ang veteran actors na sina Eddie Garcia at Susan Roces.

Ang muling pagsasayaw ni Edu ng “Papaya” sa Christmas Special ng ABS-CBN ang nagbigay ng idea sa televiewers na hilingin sa Kapamilya management na siya uli ang kunin na host ng Game Ka Na Ba? kapag ibinalik ito sa telebisyon.

Ten years ago, ang “Papaya” dance ni Edu ang most viewed video sa YouTube dahil sa popularidad ng dance choreography niya.

Read Next
Read More Stories About
ang probinsyano
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results