Sina Nadine Lustre, Sam Concepcion, Andrew E., Ella Cruz, Janine Tenoso, The Juans, at Ex Battalion ang ilan sa invited performers sa #SaveAngkas, ang free thanksgiving concert na magaganap sa December 22, sa Quezon City Memorial Circle.

Suportado ng mga artistang ito ang online motorcycle backride service provider, na popular sa mga kababayan natin na ubos na ang pasensya sa matinding traffic situation sa Metro Manila.
Imbitado sa #SaveAngkas ang lahat ng mga Pilipino na naniniwala na hindi dapat suspendihin ng Department of Transportation (DOT) ang motorcycle–hailing app.
Lalo na't mas mura ang pamasahe at malaking tulong ito para mabilis sila na makarating sa kanilang mga paroroonan.
Noong December 12, 2018, inilabas ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) na sumasalungat sa naunang resolusyon ng regional trial court, na hindi maaaring makialam ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at DOT sa operasyon ng Angkas.
Nakasaad din sa utos ng Supreme Court na hindi ligtas ang Angkas sa mga aksidente, base sa data ng Philippine National Police Highway Patrol Group.
Ngunit mariing tinutulan ng Angkas ang TRO ng Supreme Court at ang reklamo ng DOT sa pamamagitan ng petisyon na inilabas nila at sa free concert na mangyayari sa December 22.
Naghain din ang Angkas ng online petition na #SaveAngkas sa www.change.org, na mayroon nang 73,064 signatories, kaya malapit nang maabot ang target na 75,000 signatures mula sa publikong sumusuporta sa ride-hailing app.
Sabi rito: "The TRO does NOT suspend Angkas' operations, but merely allows the LTFRB to once again apprehend Angkas bikers if they choose to do so.
"The LTFRB, through various channels, has made clear its intent to crackdown on Angkas bikers, citing a very narrow interpretation of the law, and its supposed lack of options to aid Angkas and its bikers.
"Yet we have on various occasions presented the LTFRB with various options to move forward together.
"Last December 2017, Angkas voluntarily suspended its operations to dialogue with the LTFRB. We proposed a pilot program of the Angkas service with the very purpose of determining its feasibility for the Metro under the agency's close watch and supervision.
"The proposal was declined despite evidence presented of our safety track record and the genuine service we were able to provide to hundreds of thousands of commuters."
Ayon pa rin sa petisyon, buong taon ng 2018 ay inilaban daw ng Angkas ang karapatan nitong makapagbigay-serbisyo sa commuters.
Habang ang kongreso ay dalawang pagkakataon na umano ang pinalampas sa dapat sana'y pakikipagtulungan nito sa kongreso at sa private sector sa paghanap ng solusyon sa transport alternatives para sa commuters.
"Thus far the LTFRB continues to insist that motorcycles are unfit for passenger transport due to safety issues,yet has consistently ignored Angkas' safety record as well as proof of the precautions it takes to ensure passenger safety, including biker training, quality helmets, and accident insurance.
"Angkas' safety record currently stands at 99.997%, above and beyond the rates cited by government agencies to claim otherwise. It is a testament not only to the viability of using motorcycles for safe passenger services, but also of the massive improvements that a single committed organization can make to professionalize an industry," ang sabi pa sa bahagi ng petisyon ng Angkas.
Sa huli ay umapela ang Angkas na sana ay makipagtulungan ang mga nangangasiwa sa public transportation sa bansa, upang mabigyan ng maayos na sistema ang mahigit 14 million motorcycle drivers na umaasa sa kabuhayang ito.