Chavit Singson, todo-iwas sa isyung kinukuha niya ang franchise ng Miss Universe Philippines

Chavit Singson, todo-iwas sa isyung kinukuha niya ang franchise ng Miss Universe Philippines
by Jojo Gabinete
Dec 20, 2018
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram

"There are no talks yet of the franchise,” ang diretsahang pahayag ni Richelle Singson-Michael, anak ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

Kaugnay ito ng balitang ipinagkaloob na ng Miss Universe Organization (MUO) sa LCS Group of Companies ang franchise ng Miss Universe Philippines kaya mawawala na ito sa pamamahala ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI).

 IMAGE Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chavit ang chairman ng LCS Group, habang si Richelle ang tumatayong vice-chair ng kumpanya. 

Kabilang din si Richelle sa mga hurado sa 67th Miss Universe, na ginanap noong December 17, sa Bangkok, Thailand.

Sa report kahapon ng Cabinet Files, nakasaad na nakuha na umano ng LCS Group ang franchise ng Miss Universe Philippines, pero walang denial o pag-amin mula kay Chavit o kay Madame Stella Marquez Araneta ng BPCI.

Magkasabay na dumating kahapon sa Pilipinas mula sa Bangkok sina Catriona at Chavit—kasama ang ilang opisyal ng Miss Universe Organization—sakay ng private plane ng controversial politician.

May mga nagtangkang tanungin si Singson tungkol sa isyu na ipinagkaloob na ng MUO sa kanyang kumpanya ang franchise ng Miss Universe Philippines, pero tumanggi itong magbigay ng pahayag sa isyu dahil nahihiya raw siya kay Mrs. Araneta.

 IMAGE @catriona_gray Instagram / Noel Orsal
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabila ng pahayag ni Richelle na hindi pa nagkakaroon ng pag-uusap tungkol sa franchise ng Miss Universe Philippines, hindi pa rin nawawala ang espekulasyon sa mga posibleng pagbabago kaugnay ng Miss Universe Philippines.

Inaaasahang magkakaroon ng big and special announcement ang LCS Group sa January 2019, na magpapatunay umano na done deal na ang negosasyon. 

Postscript: Nadagdagan ang hinalang may katotohanan ang balitang mawawala na sa BPCI ang karapatan na pumili ng kandidata na ipadadala sa Miss Universe sa susunod na taon.

Ito ay sa kadahilanang walang representative si Mrs. Araneta sa charity event na pinuntahan ni Catriona sa Project 4, Quezon City.

Nilinaw naman ng mga organizer na matagal nang nakaplano ang event—kahit hindi si Catriona ang nanalo na Miss Universe 2018—dahil sa partnership nila sa Miss Universe Organization.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results