Miss Universe 2018 Catriona Gray, may Pinoy-made miniature ng kanyang parol costume

by Jojo Gabinete
Dec 20, 2018
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Maaga ang presscon para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na ginanap nitong umaga ng Huwebes, December 20, sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at The Fort hotel sa Taguig City.  

Nagsalita lang si Catriona tungkol sa charity event na pupuntahan niya dahil hindi pinayagan ang invited press na mainterbyu siya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Once again, pinasalamatan ni Catriona ang lahat ng mga Pilipino na sinuportahan ang pagsali niya sa 67th Miss Universe.

Agaw-pansin sa presscon si Jory Rivera, beauty pageant enthusiast at isa sa mga supporter ni Catriona.

Bitbit ni Jory sa presscon ang miniature ng parol costume na ginamit ni Catriona sa National Costume Show ng 67th Miss Universe, noong December 10. 

Kung nabigo man noon si Catriona na pailawin ang kanyang parol costume, maningning naman ang pag-ilaw ng replica na dala ni Jory sa presscon. 

Hindi alam ni Jory ang exact cost ng miniature parol costume na hawak niya dahil made in Singapore ito. 

Gawa raw ito ng kanyang Singapore-based Pinoy friend, na nagdala ng anim na miniature parol costume sa coronation night ng Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand. 

Magkasama silang nanood at nag-cheer para kay Catriona sa prestihiyosong pageant. 

Patuloy ang Catriona fever matapos niyang masungkit ang Miss Universe crown.

Continue reading below ↓

May mga bagong silang na sanggol na babae na binigyan ng pangalang Catriona ng kanilang mga magulang, dahil sa karangalan na ibinigay ng beauty queen sa Pilipinas.

Maagap ang isang restaurant sa Ayala The 30th Mall sa Taguig City dahil naglabas agad sila ng Catriona red velvet cookies, na discounted ang presyo bilang pagbubunyi sa pagkakahirang kay Catriona na bagong Miss Universe.

Incidentally, ngayong gabi ang flight ni Catriona papunta sa official residence ng Miss Universe sa New York City, at inaasahan ang pagbalik niya sa susunod na buwan para sa kanyang grand homecoming parade.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results