Estudyanteng sangkot sa bullying incident, umani ng pambabatikos mula sa netizens

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2018
PHOTO/S: Ateneo Facebook page

Instant celebrity but not in a good way ang 15-year-old student ng Ateneo de Manila University na inaakusahan ng bullying.

Not once, not twice, and not just thrice na nambiktima ng kapwa estudyante ang claim to fame ng sinasabing martial arts expert, dahil sa paglitaw ng mga video ng pananakot at pananakit niya sa kanyang mga kaklase.

Disturbing ang mga kumakalat na video ng bullying incident kaya pinatulan na rin ito ng mga television news program.

Last night, December 20, headline news sa late-night newscast ng GMA na Saksi ang isyu na mainit na pinag-uusapan lalo na ng netizens sa social media. 

Kung national pride ang panalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe, tila national issue na ang pagiging bully ng Ateneo high school student.

Base ito sa pakikipag-agawan nito ng espasyo bilang newsmaker dahil target siya ng bashing ng mga kababayan natin na galit na galit sa kanyang ginawa sa mga kaklase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati ang mga local celebrity, nabahala sa kanilang mga napanood at nagbigay ng mga opinyon tungkol sa mga insidente ng bullying.

Sa viral video ng 15-year-old student, "bugbog o dignidad" ang famous words niya sa ilang videos na kumalat kaugnay ng kanyang pananakot sa mga kaklase.

Ginagamit na ito ngayon ng karamihan sa mga Pinoy netizens na wagas ang pagkondena sa isyu, na magpapaalala sa lahat sa paboritong linya ng pumanaw na Queen of Intrigues na si Inday Badiday, “What goes around comes around.”

Samantala, nag-isyu na ang Ateneo Junior High School Office of The Principal ng pormal na pahayag na nagsasabing iniimbestigahan na ng kanilang tanggapan ang insidente.

Narito ang kabuuang pahayag ng Ateneo, na nailathala sa kanilang official Facebook page:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ateneo Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results