Miss Universe Albania 2018, kinulang ng pera pambayad sa excess baggage fee sa Bangkok

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2018
PHOTO/S: @misstrejsisejdini Instagram

Gaya ni Miss Universe Vietnam H’Hen Nie, may inspiring story rin tungkol kay Miss Universe Albania Trejsi Sedjini.

 IMAGE @misstrejsisejdini Instagram

Isa sa si Miss Albania sa popular candidates ng 67th Miss Universe, pero hindi siya pinalad na makasali sa Top 20.

Bumalik sa Albania si Trejsi noong Miyerkules, December 19, pero muntik nang hindi niya maiuwi ang mga regalong bigay ng kanyang Thai fans, dahil wala siyang perang pambayad sa excess baggage fee.

Continue reading below ↓

Nang malaman ng Thai supporters ni Trejsi ang problema nito habang nasa Suvarnabhumi Airport ng Bangkok, Thailand, nag-chip in ang mga ito para makumpleto ang halagang THB 5,225 (PHP 8, 464.50 sa Philippine currency), na pambayad sa excess baggage fee.

Ang number one Thai supporter ni Trejsi—si Korakot Mussamont Chansiri na naghatid sa kanya sa Bangkok airport—ang nag-post sa Facebook account nito tungkol sa karanasan ng beauty queen mula sa Albania.

Ikinuwento ni Korakot na habang nakasakay sa private plane si Miss Universe 2018 Catriona Gray pabalik sa Pilipinas, nagbubukas naman ng maleta si Trejsi para magbawas ng gamit sa airport.

Mabuti na lang at nalutas kaagad ang kakulangan sa pera ni Miss Alabania nang tulungan siya ng kanyang Thai fans.

Taos-puso namang ipinaabot ni Trejsi ang kanyang pasasalamat sa suportang natanggap mula sa mga ito.

Sa kanyang Instagram account kahapon, December 20, nag-post pa si Trejsi ng video kasama ang ilang Thai fans sa airport.

Continue reading below ↓

"Thank you my Thai fan for making me happy. Thank you for the support, the gifts and the love that you share everyday for me. You all are so real and lovely," sabi sa caption niya rito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @misstrejsisejdini Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results