Trans woman na kapatid ni Gabby Eigenmann, proud sa achievement kasama si Kevin Balot

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2018
PHOTO/S: @the_kyliessi / @kevinbalot Instagram

Malaking karangalan para kay Kylie Celebre na napili siya bilang isa sa transgender women na tampok sa online video ad campaign ng isang popular brand ng shampoo.

Si Kylie ay anak ng aktres na si Irene Celebre sa yumaong aktor na si Mark Gil.

Continue reading below ↓
 IMAGE @the_kyliessi / @kevinbalot Instagram

Kapatid niya ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann. 

Bilang isang part-time actress/social-media influencer/makeup expert, malaking karangalan daw para kay Kylie na pinagkatiwalaan siya ng shampoo brand.

At higit sa lahat, ikinatuwa niya ang pagpapahalagang ibinigay sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Kasama niya rito ang transgender beauty queen na si Miss International Queen 2012 Kevin Balot.

Kuwento ni Kylie, "I feel beyond happy and accepted by many, especially in this age and day, there are a lot of discrimination going on in the Philippines.

"Thankful ako that Pantene really empowers the LGBT community because we need to spread awareness that no matter who you are, you are beautiful."

Sinunod daw niya ang lahat ng proseso bago siya napiling maging bida sa digital ad ng isang shampoo brand.

"I actually auditioned for the commercial, 'tapos may final casting pa. Dumaan po talaga ako sa proseso to get the commercial."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Kylie, ipinagmamalaki siya ng kanyang mga kapatid na sina Gabby at Ira dahil sa achievement niya.

Mas naging espesyal pa raw ito dahil nakasama niya sa proyekto ang mom niya na si Irene.

"Proud sa akin ang mga kapatid ko.

"My sister Ira, actually wanted to be a part of a Pantene commercial dati and it really feels amazing that I got to do it for her," ang sabi ni Kylie.

Nang kumustahin ng Cabinet Files ang showbiz career niya, sagot ni Kylie, "I haven’t really figured out kung gusto kong mag-artista. 

"Pero if given the opportunity, yes I would love to. Open naman ako."

Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang paggawa ng makeup tutorials sa kanyang YouTube vlog.

"So far, my blogging career has been doing well," dagdag niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @the_kyliessi / @kevinbalot Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results