Clint Bondad, magiging co-host sa Unang Hirit?

by Jojo Gabinete
Dec 22, 2018
PHOTO/S: courtesy of Clint Bondad

Napanood si Clint Bondad sa December 21 episode ng Unang Hirit kaya marami ang nagtatanong kung mainstay na siya ng early morning show ng GMA-7.

Isang insider ang nagsabi na guest lang kahapon si Clint sa Unang Hirit, pero tinitingnan ang posibilidad na maging regular co-host siya ng programa.

Continue reading below ↓
Clint Bondad (R) kasama ang Unang Hirit hosts na sina (L-R, 1st row) Arnold Clavio, Rhea Santos, Luane Dy, Suzi Entrata; (L-R, 2nd row) Lhar Santiago, Susan Enriquez
IMAGE courtesy of Clint Bondad

Si Clint ang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, at nagkaroon ng interes sa kanya ang publiko mula nang manalo ang girlfriend niya sa 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 2017.

Hindi puwedeng akusahan si Clint na nakikisakay sa popularidad ni Catriona dahil dati na siyang nag-aartista bago pa nanalo ng Miss Universe crown ang girlfriend niya.

Unang napansin si Clint sa Girlfriend for Hire, ang 2016 movie ng Viva Films na pinagbidahan nina Yassi Pressman at Andre Paras.

Si Clint ang gumanap na chef neighbor ni Yassi.

Ang "Kuha Kita" episode ng Dear Uge, na napanood noong November 18, 2018, ang recent television guesting ni Clint sa GMA-7.

Si Jennylyn Mercado ang kapareha ni Clint sa episode ng Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo na nakakuha ng mataas na rating.

Read Next
Read More Stories About
Clint Bondad, Unang Hirit
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: courtesy of Clint Bondad
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results